TIGAGAL na tumitig si Zee kay Troy. Hindi niya gustong marinig ang salitang 'yon mula rito o kahit na kaninong lalaki. Ayaw niya na may iba pang lalaki na muling papasok sa buhay niya, tama na si Stone. Napatingin siya sa kamay nitong kumulong sa kanyang mga kamay. "Zee... Noong araw na dumating ka sa Almenia at unang nakita kita alam kong gusto na kita. Hindi lang ako nagkaroon ng pagka-" Binawi niya ang mga kamay mula rito at maingat na tumayo. "Napagod ako ngayong araw, magpapahinga na ak-" "Zee!" Pinigilan siya nito sa braso at pilit na iniharap. "Hayaan mo akong iparamdam sa'yo kung ano ang totoong nararamdaman ko! Gusto kita at kaya kitang alagaan na hindi kayang ibigay sa'yo ni Sto-" "Enough, Troy...I'm tired please." "No! Mahal kita Zee, akin ka nalang please!" Humigpit ang