ANG lahat kay Zee ay tila huminto sa tanong na ibinigay sa kanya ni Stone. Ang puso niya na kanina na kay bilis-bilis ngayon naman ay onti-onting bumabagal na para bang humihinto ito sa pagtibok. Hindi niya magawang kumurap man lang dahil baka hindi si Stone ang lalaking kaharap niya ngayon. Hindi din magawang mag sink sa utak niya ang tanong nito. Kinalimutan ba siya o nakalimutan, alin sa dalawa? "A-ako ito Stone, si Zee." Nangunot ang noo nito habang pinakatitigan ang kanyang muka na para bang kinikilala siya. Bumaba ang tingin nito kay Samantha pagkuway ay muling bumalik sa kanya. "I don't know you. You look like her, but she's not you." mariin at siguradong sabi nito. Inilibot nito ang tingin na tila may hinahanap. "Where's Francess?" lalo siyang natigilan dahil kilala niya kun