"Boss, ayon kay Morfina wala nang silbi ang amulet na dala-dala ng lalaking 'yan." "Wala? Paanong wala?!" "Wala daw siyang maramdaman na kahit ano mula sa amulet na 'yan." Nagising si Stone na may nahihimigang mga boses na nag-uusap. Pilit ang isang namamagang mata na iminulat niya at hirap na iniangat ang tingin sa tatlong taong nasa loob ng madilim na kwarto. Nangiwi siya nang kumirot ang bugbog niyang katawan. s**t! Nanlisik ang kanyang mga mata nang matuon sa isang lalaki. Hindi niya lubos akalain na sa dinamirami ng kanyang Delta ay ito pa ang tatalikod at ang magtatraydor sa kanya. Ito na ba ang bagong namumuno sa mga Omega? Tiim ang mga bagang na tinapunan siya nito ng tingin at buong pangiinsultong ngumisi ito. Pinaglalaruan ang amulet na humakbang ito palapit sa kanya kuway