Chapter Six

1896 Words

NAALIMPUNGATAN si Zee nang makarinig siya ng putok ng isang baril. Ngiwing sinapo niya ang balakang nang bahagya iyong kumirot. Kuyom ang kamaong bumangon siya. Ang halimaw na iyon, nagpakasasa sa katawan niya! Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi lang isang beses na ginamit nito ang katawan niya, kundi paulit-ulit siya nitong inaangkin ng walang pag-aalalay. Ang tingin niya tuloy sa kanyang sarili ay isang mababang babae. Hanggang kailan kaya siya nito gagamitin? Hanggang sa magsawa ito? Napa piksi siya nang muling umalingaw-ngaw ang putok ng baril. Umalis siyang sa ibabaw ng kama na hindi alintana ang kahubaran at agad na dumiretso sa banyo. Kahit na nananakit ang buo niyang katawan ay mabilis siyang naligo. Dahil wala pa siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD