BINALOT ni Zee ng kumot ang hubad niyang katawan pagkuway umalis sa ibabaw ng kama. Nagtungo siya sa beranda at doon niya natagpuan si Stone na nakatayo habang nakatingin sa malayo na para bang may malalim na iniisip. Walang gabi na hindi siya nito inaangkin, at sa bawat gabing inaangkin siya nito ay hindi ito nagiging marahas sa kanya. "Bakit gising ka pa?" malamig ang boses na tanong nito, sabay hithit sa hawak nitong sigarilyo. Nagbuga siya ng hangin na humakbang palapit rito. Inagaw niya ang hawak nitong sigarilyo kuway hinithit 'yon pero nang gumuhit ang usok sa kanyang lalamunan ay bigla siyang naubo. "Ang lakas ng loob mo hindi ka naman pala naninigarilyo." inis na sabi nito sabay bawi sa sigarilyo. Humugot siya ng hangin kuway tumingin sa kawalan. "Hanggang kailan ako mananat