THE VAMPIRES FLOWER CHAPTER SEVEN

732 Words
THE VAMPIRE'S FLOWER 7 Hinanap nina Delmore ang bampirang salamangkera na si Dataniak. Ang pinakamatagal at pinakamapangyarihang salamangkera sa buong lahi. Nawala ito nang araw na namatay ang kanyang ina na isang supremong taga-bantay. Naamoy ni Delmore ang amoy ni Dataniak sa masukal na gubat. Sa isang iglap ay nakarating sila sa gitna nang gubat. Nag-iba ang kanilang mga mata naging pula ito para mas makita ang buong kagubatan. Maliban kay Delmore na naging berde ang kulay nang kanyang mga mata. Mabilis na gumala ang kani-kanilang paningin. Ngunit wala silang makita, nagkatinginan sila. "Viper, make a spell quick!" Utos ni Delmore dahil nararamdaman niya si Datanian sa paligid. Pumikit si Viper at umusal nang isang tila panalangin. Habang si Dylan ay gumawa ito nang shield sa kinaroroonan nila tila isang bilog iyun na bumalot sa kanila. Patuloy pa rin sila sa pagsuyod sa paligid. Nahagip ng mga mata ni Delmore ang isang pulang usok sa may malaking puno sa di kalayuan sa kanila. Nagpapawis na din si Viper habang umuusal tanda na nahihirapan siya. "Kaya mo 'yan Viper!" Bulong ni Delmore. Dumudugo din ang ilong ni Dylan. Pumikit si Delmore at mas lalong naging berde ang kanyang mga mata at naging berde siyang usok. Sa isang kisap-mata ay nakarating siya sa malaking puno. Nagbalik ang dati niyang anyo ngunit hindi ang kanyang mga mata. "Long time no see, Dataniak?" Sabi niya sa pulang usok na nakakubli sa puno ng isang malaking usok. Nagpalit din ng kanyang anyo ang pulang usok. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga mata ni Delmore. "Ang itinadhana," sambit nito. "Kailangan namin ang tulong mo," ani ni Delmore. Natigilan ang salamangkera. "Pa'no mo ako nahanap? Wala pang nakakahanap sa akin." Wika nito. "Ang amoy mo ay nanunuot sa aking ilong Dataniak," sagot ng binata. Naging pula ang mga mata ng salamangkera at sinugod si Delmore. Naglabas nang apoy ang mga palad ni Dataniak. Ngunit mabilis na naiilagan ni Delmore ang mga iyun. Biglang dumating si Dylan at tinulak niya si Dataniak gamit ang kanyang palad. Ngunit napalutang lang sa taas ang salamangkera. "Ang shield mo Dylan!" Babala ni Delmore. Mabilis gumawa si Dylan ng kanyang panangga laban kay Dataniak. Nag-ipon ang salamangkera nang napakaling apoy, at ibinato niya iyun kay Dylan. Halos mapaatras ang binata sa lakas n'un. Muli pang tinulak ni Dataniak ang kanyang bolang apoy kay Dylan. Dumating si Viper at Lorenzo. Agad umusal si Viper nang spell habang nakatingin kay Dataniak. Parang nabibingi sa sakit ang tainga ni Dataniak at masakit iyun. Nakita niyang nagmumula kay Viper ang masakit na tunog na iyun. Tinitigan niya ito, at nakita niyang mas dobleng sakit ang naramdaman ni Viper dahil halos takpan niya ang kanyang tainga. Gumawa din si Lorenzo nang isang malaking ipu-ipo at inutasan niya itong tangayin si Dataniak. Hindi nakaligtas sa paningin ng salamangkera ang ginawa ni Lorenzo. Bago niya gantihan ito ay may berdeng usok ang lumibot sa kanya at nahirapan siyang gumalaw. Naglaho ang malaking apoy at nawala ang ginawa niyang spell kay Viper. Nakita niyang si Delmore ang siyang gumawa nu'n. Muli niyang pinilit na makawala ngunit tinitigan siya ng binata na ngayon ay naghalong dark green at orange ang mga mata nito. Parang piniga ang kanyang katawan at para ring nababali ang bawat himaymay ng kanyang mga buto. Kinakapos din siya nang kanyang hininga sabay labas nang malapot na dugo sa kanyang bibig. "S-suko na ako, tutulong na ako." Wika nito . Unti-unti siyang bumababa ngunit nanatili siyang nakagapos. "Talagang nakakamangha ang kapangyarihan ng isang itinadhana," sabi nito. "Ano bang maitutulong ko?" Muling sabi ni Dataniak. "Nahanap ko na ang antidote," sagot ni Delmore. Nakita niya ang pagkagitla sa mukha ni Dataniak. "Hindi maari! Bakit ang aga niyong nagtagpo?" Turan nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dylan. "Ayon sa propesiya, magkukrus ang inyong landas sa susunod na kabilugan ng buwan." Paliwanag nito. Hindi sila nakaimik dahil ang kabilugan ng buwan ay sa susunod pa lamang na linggo. "Tara na, kailangan mo siyang makita." Malamig na tugon ni Delmore. Sa isang kisap-mata ay naglaho sila at agad silang nakarating sa kastilyo. Pumasok sila isang silid kung saan naroon si Sasha. Mahimbing pa rin itong natutulog. Inalis ni Viper ang spell sa kwartong iyun. Napaatras si Dataniak nang makita ang dalaga. Matagal niya itong pinagmasdan. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD