THE VAMPIRES FLOWER CHAPTER EIGHT

1115 Words
THE VAMPIRE'S FLOWER 8 Nagtaka sina Delomore dahil sa nakitang reaksyon ni Datanian. Nakatitig pa rin ito kay Sasha habang mahimbing pa rin sa pagkakatulog. "Siya ba ang hinahanap ng buong angkan?" Tanong ni Viper kay Datanian. "Oo! Siya nga ang nasa libro nasa kanya ang antidote." Sagot nito. "Ngunit bakit parang nabigla ka pagkakita mo sa kanya?" Tanong ni Dylan. "Dahil unti-unti nang lumalabas ang tattoo sa kanyang dibdib, hindi ganito ang nasa propesiya." May pag-aalala sa bose ng salamangkera. Nagkatinginan ang tatlo. "Nakita ko kanina kung paano siya lumabas hindi kinaya ni Simon," wika ni Delmore. "At maaaring hindi mo rin siya makakaya kapag lumabas na ang tunay na siya," tugon ni Datanian. "Walang sinumang makakatalo sa itinadhana, Datanian." Turan ni Viper. "Diyan ka nagkakamali Viper, dahil siya lamang ang daan upang makamit nang husto ni itinadhana ang buo nitong lakas subalit siya din ang magsisilbing banta sa itinakda." Mahabang paliwanag nito. Hindi sila nakaimik. Magtatanong pa sana si Dylan ngunit pinigilan siya ni Delmore. "Pupunta tayo sa konseho, malalaman natin ang lahat naroon si jelika at Girlie." Sabi ni Delmore. Nagkatinginan sila at sa isang iglap sila ay naglaho. Samantalang si Sasha ay hinahabol nang isang nakapulang jacket na may hood. Hindi niya maaninag kung sino ito. Ngunit nakakatiyak siyang isa itong babae. Hinihingal na siya sa katatakbo, natisod siya sa isang bato at napaupo. Napadaing siya sa sakit. Halos pagapang siyang umatras habang papalapit sa kanya ang babae. Nanlilisik ang kulay ube nitong mga mata. "S-sino ka?" Nauutal niyang tanong dahil sa takot. "Anong kailangan mo sa akin?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong ulit. Hindi umimik ang babae. Hinawakan nito ang kanyang leeg at sinakal siya. Saka siya pinataas habang sakal-sakal pa rin siya sa leeg. "Kailangan mong mawala! Dahil hindi ako makakalabas hangga't buhay ka!" Sabi nito na nag- echo pa ang boses nito sa paligid. Nahigit niya ang kanyang kinakapos na hininga. Hindi siya makapagsalita dahil sakal pa rin siya nito. "Sumanib ka sa akin! Wag ka nang kumontra atin ang buong daigdig!" Muling sabi nito. Kumakawag-kawag siya dahil sa unti-unti na siyang nawawalan nang hininga. Pilit niyang inaabot ang nakatakip na hood sa mukha ng babae. Nang maabot ay pinilit niyang itinulak iyun para makita niya kung sino ba ito. At nang maalis na niya ang hood ay nanlaki ang kanyang mga mata. Dahil kamukha niya ang babaing iyun! Kulay ube nga lang ang mga mata nito. At may tatto ito sa dibdib na rosas at kumikinang iyun. "Hindi!" Bulong niya sa sarili. Ngumisi ang babae sa kanya. "Ako ay ikaw Sasha! At ikaw ay ako!" Nakangising sinabi nito. Umiling siya. Hindi siya naniniwala na siya ang demonyitang sumasasakal sa kanya. Napapikit siya at may nakita siyang lalaking nasa maraming tao. Tila nasa pulong ito. Berde ang mga mata ng lalaki at kay amo nang mukha nito. Napasulyap ang lalaki sa kanya. "T-tulong!" Anas niya dahil nawawalan na talaga siya nang hininga. Bumagsak na rin ang kanyang luha. Napakilos ni Delmore ang kanyang tainga habang nagpupulong ang konseho. May nakita siyang puting usok na nasa kanyang tabi at may boses iyun na nagpapatulong. May bumagsak na dalawang butil nang tubig sa kanyang braso. Nakita niyang umangat ang mga iyun na para bang mga petals ng isang rosas na nagkahiwa-hiwalay. Nangamoy iyun at nanuot sa kanyang ilong. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang amoy na iyun. Agad siyang nawala at agad ding nakarating sa silid kung nasaan si Sasha. Nakita niyang nakalutang ito sa ere at sakal-sakal ang sariling leeg. Kinakapos na ito sa hininga at pansin nang namumutla na ito. Agad siyang pumikit at naglaho siyang parang usok. Nilibot niya ang katawan ni Sasha at idinantay niya ang kanyang palad sa noo nito. Nakita niyang umaandap-andao ang tattoo sa dibdib ng dalaga. Tinitigan niya iyun at naglabas siya ng kulay puting tila boltahe nang kuryente. At agad pumasok sa tattoo ng dalaga. Nabitawan ni Sasha ang leeg niya at bigla siyang bumaba mula sa pagkakalutang. Agad siyang sinalo ni Delmore. "Wake up! Hey!" Tapik ni Delmore sa pisngi ni Sasha. Ngunit hindi tumitinag ang dalaga. Pinulsuhan ito ni Delmore, nakahinga siya nang tumitibok pa rin ang puso nito. Wala siyang nagawa kundi ilabas ang pangil ng binata saka marahang kinagat ang leeg ni Sasha. Biglang huminga ang dalaga at napabangon. Tila takot na takot at napatingin kay Delmore. Yumakap ito sa binata at umiyak. "Salamat! Iniligtas mo ako sa babaeng gustong pumatay sa akin!" Sabi ng dalaga habang umiiyak. Nagtataka naman si Delmore dahil sa sinabi ni Sasha. Ngunit hindi siya umimik. Hinaplos niya sa likod ng dalaga. "Sshh! Forget it, its just a dream." Alo ni Delmore. Tumigil naman si Sasha sa pag-iyak nito at muling humarap kay Delmore. "Teka, nasaan ba ako?" Tanong nito sa binata. "Saka mo na lang malalaman kapag handa ka na!" Sagot ni Delmore sa dalaga. "Baka kasi masisante na ako sa trabaho ko dahil madami na akong absent." Tugon ni Sasha sa binata. "Dont worry! Ipinaalam ka na namin," sabi ng binata. Hindi sumagot ang dalaga ngunit matiim niyang pinagmasdan ang binata. "Parang nakita na kita noon pa," turan ng dalaga. Natigilian si Delmore sa sinabi ng dalaga. Ofcourse! Hindi niya maalala lahat dahil binura niya ang mga ala-ala nito sa mga nagdaang araw. Ngunit tila may naalala ito nang kaunti. "Hindi, ngayon lang tayo nagkita." Pagkakaila ng binata. "Ewan ko pero, ikaw yung nakita ko sa aking panaginip kaya nagpasaklolo ako sayo! Hindi ko sukat akalain na nandito ka nga!" Saad ng dalaga. Muling natigilan si Delmore. Dahil alam niyang hindi nananaginip si Sasha. Ang gumugulo mgayon sa kanyang isipan ay ang sinasabi nitong babaeng gustong pumatay sa kanya. "Gusto mo magpahangin? Tara, lalabas tayo." Pag-iiba ni Delmore nang usapan. Kahit nagtataka ay sumunod na lang ang dalaga. Hindi naman mapakali ang binata dahil nakikita niyang dumudugo ang leeg ng dalaga dahil sa pagkagat niya. Dinantay niya ang kanyang isang palad sa likod ni Sasha at napatigil ang dalaga. Mabilis pinahid iyun ni Delmore at dinilaan upang maghilom ang sugat. Saka niya muling pinagalaw ang dalaga. "Bakit mo nga pala ako dinala rito?" Tanong ng dalaga. "Dahil may nagtatangkang masama sa iyong buhay ," sagot ng binata. "Oo! Yun siguro yung babaeng nakajacket nang may hood tapos kulay pula," bulalas nito. "Ano?" Maang na tugon ni Delmore. "Oo! Tapos nakita ko kulay ube ang mga mata nito at..at-" di maipagpatuloy na sabi ng binata. "At?" Ani ni Delmore naghihintay sa sasabihin ni Sasha. "At..kamukha ko!" Nahihintakutang wika ng dalaga. "s**t!" Mura ni Delmore. Bakit naaalala iyun ng dalaga? Hindi na ba gumagana ang kanyang kapangyarihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD