THE VAMPIRE'S FLOWER CHAPTER NINE

1346 Words
Matamang pinagmamasdan ni Delmore si Sasha naglalakad sa hardin. Lahat ng galaw nito ay sinusundan niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakita niyang kasalukuyan pa rin ang papulong ng buong konseho. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata nang maamoy niya ang kakaibang amoy ni Sasha. Agad siyang lumapit dito at nakita niyang natinik ito sa itim na rosas. Dumugo ang daliri nitong natusok at nakita niyang unti-unting nagkakakulay pula ang itim na rosas. Kasabay nang pamumuti ng bibig ni Sasha at panginginig. "s**t!" Mura niya at pinangko ang dalaga at pinisil niya ang magkabilang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri. Bumuka ang bibig ng dalaga at ibinuka din niya ang kanyang bibig upang sisipin ang lasion na pumasok sa katawan ng dalaga. Napaubo si Sasha pagkalipas ng ilang sandali. Napatingin siya sa binata na nagpakita ang mga itim na ugat sa mukha nito. Nataranta ang dalaga at niyugyog ang binata. "Wake up! Please wake up!" Natatarantang sabi niya kay Delmore. Ngunit nagpatuloy si Delmore sa pangingnig at namutla na ang bibig nito. Inilibot ni Sasha ang kanyang paningin sa paligid. "Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw niya upang may darating na sasaklolo sa kanila. Biglang lumitaw si Viper sa harapan ng dalaga. Nagulat si Sasha sa biglaang paglitaw nito. "S-sino ka?" Nahihintakutan niyang tanong kay Viper. Ngumisi si Viper at binalingan niya si Delmore. Binangon niya ito at nilapat niya ang kanyang palad sa dibdib ni Delmore at ubod lakas niyang itinulak gamit ang kanyang kapanyarihan. Tumilapon si Delmore sa ere at lumutang. Nagsuka ito ng kulay berdeng dugo. Gulat na napatingin si Sasha sa kanilang dalawa. Hindi siya agad nakahuma at nakapagsalita. Napailing-iling siya. Tumingin naman si Delmore kay Sasha. Unti-unti siyang bumaba. Marahan siyang lumapit sa dalaga na noon ay napapaatras sa takot. "S-sino kayo?" Nauutal niyang tanong sa dalawa. Hindi sumagot si Delmore. Mataman niya itong tinitigan sa mata si Sasha. Nangangamba siyang hindi na gumagana ang kapangyarihan nilang dalawa ni Dylan. Upang makalimot si Sasha sa mga nangyari noong nagdaang araw. Ngunit mas nangangamba siya kapag nalaman na niya ang lahat-lahat. Napahawak si Sasha sa kanyang ulo dahil kumikirot iyun. Napapailing siya at tila may nagbalik sa kanyang ala-ala. "Sino kayo? Sagutin niyo ako!" Nanginginig na tanong ng dalaga. Muli siyang napahawak sa kanyang ulo at may naalala siya. Lumabas siya sa isang silid na kandila lamang ang tanging ilaw na naroon. Iba't-ibang kulay ng kandila ang kanyang nakita. Kasabay ng tila aninong sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito subalit wala siyang nakita. Hanggang sa nakarating siya sa may bulwagan. Napakaraming taong nakahoodie ng itim ang naroon. Mapupula ang mga mata ng mga iyun at lumabas ang kanilang pangil. Sumunod ang isang lalaking nakaitim ding hoodie at pinipilit abutin ang kanyang kamay ngunit umiwas siya.Biglang lumitaw ang babaeng sumakal sa kanya at sinakal siya ulit nito. "No!" Sigaw niya. Naalarma si Delmore dahil hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang babaeng sinasabi ni Sasha na kamukha niya. "Sasha, look at me." Utos niya sa dalaga. Ngunit nanatiling nakatakip ang mga kamay ng dalaga sa kanyang mga tainga. "Take a deep breath and close your eyes! Then slowly open again, tell me what you see." Sabi niya sa binata. Tumingin ang dalaga sa mga mata ni Delmore at sinunod ang sinabi nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at muling pumikit saka nagmulat muli. "Lumabas ako sa isang kwarto na may mga kandila at nakarating sa bulwagan. Nakita ko ang mga taong mapupul ang mga mata at may mga pangil." Nanginginig sa takot na sabi niya sa binata. Tumango-tango si Delmore. At naghintay pa sa susunod na sasabihin ng dalaga. "Tapos may lalaking pilit akong inaabot at babaeng gusto akong patayin." Umiiyak na niyang wika. Nagkatinginan sila ni Viper dahil ang lahat ng iyun ay nangyari na noong mga nakaraang araw. "Sasha, tumingin ka sa mga mata ko" muling utos ni Delmore. Sumunod si Sasha at tinitigan niya ang binata. "Pumikit kang muli at makakalma ka," ani ni Delmore. Ngunit nagtaka si Sasha ng ayaw pumikit ang kanyang mga mata. Tila may mga isip iyun na kumukontra sa gusto niyang gawin. "Are you listening Sasha?" Tanong ni Viper. "Hindi ko mapikit ang aking mga mata! Anong nangyayari?" Naiiyak niyang tugon. Hindi nakaimik ang dalawa at kapwa naghanda sa anumang nangyayari. Nag-iba ang kulay ng mga mata ni Delmore at pinakatitigan ang mga mata ni Sasha. Nakita ni Delmore ang isang babaeng kulay ube ang mg mata nito at nakangiti sa kanya. Hindi mawari ng binata kung saan nanggaling ang babaeng iyun. Hindi niya din makita kung saang katawn ito nanggaling. Bumigat ang paghinga ni Sasha at napaliyad siya sa pagkislap ng kanyang dibdib. Nagulantang sina Delmore at Viper. "Anong nangyayari?" Namamanghang tanong ni Viper kay Delmore. Ngunit hindi sumagot ang binata. Parang hinihingi ng pagkakataon na makalabas ang babae sa katawan ni Sasha. "s**t! Gustong lumabas ang bulaklak! Labanan mo!" Sigaw ni Datanian sa dalaga. Napatingin ang dalawa sa bampirang mangkukulam. Pagkasabi ni Datanian iyun ay lumutang sa ere ang dalaga. Umihip ang malakas na hangin na tila may paparating na bagyo. Nagdilim ang buong paligid at naging kulay ube ang mga mata ni Sasha. Agad ding lumutang si Delmore sa ere paharap kay Sasha naging berde din ang mga mata nito. Nakita niyang nakangisi ito sa kanya. "Pipigilan mo ako?" Nakatawang tanong nito kay Delmore. "Labanan mo kung ano mang masamang idinudulot ng iyong kapangyarihan. Kasama ito sa iyong pagsubok, bulaklak." Wika ng binata. Dumagundong ang halakhak ni Sasha sa buong kastilyo. Ang lahat ay nagsilabasan at tiningnan ang nangyayari. Nahintakutan ang mga ito sa nakita. "Ang bulaklak! Muling lumabas!" Bulalas nila. Muling tumawa ang dalaga. "Hindi ka ba natutuwa at sa wakas ay nagkita na tayo? Dahil ako lang ang daan upang maghari ka sa buong daigdig." Nakangising turan ng dalaga kay Delmore. Tila galing sa loob ng bangn ang boses nito. "Hindi paghahari ang ating layunin, kundi upang iligtas ang ating lahi." Sagot ni Delmore. Nanlisik ang mga mata ni Sasha. Pumikit naman si Delmore at umusal. "Sasha!" usal niya. Nakita niya ang dalaga sa isang sulok at umiiyak. "Sasha!" muli niyang tawag sa dalaga. Napatigil si Sasha sa pag-iyak at iniangat niya ang kanyang mukha. Tumingin siya sa kanyang paligid na napakadilim. Hindi niya alam kung paano siya napunta roon. Nakita niya ang binata di-kalayuan sa kanya. Nagnining-ning ito na tila binabalot ng liwanag. Ngumiti ang binata sa kanya. "Sasha, lumapit ka sa akin huwag kang matakot." Sabi ni Delmore. Tumayo ang dalaga at humakbang. "Bilisan mo! Nandirito ako upang iligtas ka, huwag kang matakot." Turan niya rito. Tumakbo si Sasha at agad inabot ang mga kamay ni Delmore at mahigpit siyang kumapit sa palad nito. Nagmulat si Delmore at naglaho siya. Naging itim na usok siya at nilibot ang katawan ni Sasha. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "No!" Sigaw nito at nawalan na ito ng malay. Agad siyang sinalo ni Delmore. Lumapag sila sa lupa at napaupo ang binata. Nagsuka siya ng berdeng dugo at nanghina. Agad namang kinuha ni Viper si Sasha at mabilis na naglaho. Humihingal si Delmore na tumingin kay Datanian. "Sino siya?" Tanong ng binata. "Siya ang tunay na bulaklak, hindi ko pa masabi ang lahat hanggat wala si Jelika at Girlie." Sagot ng mangkukulam na bampira. "Napakalakas niya! At sino ang babaeng nasa katawan din niya?" Tanong ulit ni Delmore. "Yun ang aking ipinagtataka! Paanong nangyaring dalawa ang katauhan ng bulaklak? Tanging ang iyong ina ang makakasagot." Turan ni Datanian. Napapikit si Delmore at naupo. Dinasalan naman siya ng bampirang mangkukulam at ilang saglit pa ay nagbalik na ang dating lakas ni Delmore. "Marami pa tayong tutuklasin, pagbalik ng dalawa alam na natin ang kasagutan." Sabi nito sa binata. "Saan sila nagpunta?" Tanong ni Delmore. "Nagbalik sila sa nakaraan kung saan nagsimula ang lahat. At sana magtagumpay sila," Tugon ni Datanian. Hindi na umimik pa ang binata at nahpasyang silipin si Sasha. Agad itong nawala at naiwan ang bampirang mangkukulam na nag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD