GRAESON’S POV NAPADIIN ang pag-apak ko sa break nang makita si Athena na may kausap na lalaki sa harap ng bahay niya. Kasabay din niyon an pagkuyom ko nang kamao. Mukhang kilala niya talaga ang kinakausap dahil maganda ang ngiti niya– I mean matamis. Napangiti ako nang pilit. Sana sa akin din ganoon kaganda ang ngiti niya. Nakaka-miss talaga ang dating Athena. Mukhang hanggang alaala na lang talaga. Sinayang ko, e. Sana lang hindi marinig nila Athena ang ingay na likha niyon. At mukhang hindi naman kaya inilapit ko pa ang sasakyang dala ko ngayon. Idadaan ko lang kay Ayden ang bago kong bili na cellphone. Wala siya dito ngayon sa bahay nila, nasa school. At kaya lang ako nandito dahil gusto ko lang makita si Athena. Actually, araw-araw akong dumadaan dito. Kahit out of way kapag papas