ATHENA'S POV INIWASAN kong makita ni Ayden sila G at Prince ng mga sumunod na oras. Pumupunta kami ni Ayden sa mga rides na wala sila, na hindi ko siya tanaw. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita siyang masaya na kasama ang babaeng iyon. Para bang normal na sa kanila iyon. Komportable sila sa isa't-isa. Pero hindi ko akalaing makakasabay ni Ayden si Prince sa grand carousel. Hindi na ako nakaiwas. At dahil gusto ni Ayden na kasama si Prince at G ay hinayaan ko na lang silang apat. Si Prince kasama ang babae, at si Ayden naman at si G. At kung titingnan sila sa malayo ay masayang pamilya. Kaya nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib. Para bang nagseselos ako. Kaya naman pagkatapos ay kaagad kong hinila si Ayden. "Athena, wait." Pigil sa akin ni G. "Nagugutom ang bata, at gusto niya ra