ATHENA’S POV "KIM, anong ginagawa mo dito?" Kaagad kong sinalubong ang pababa ng pick-up. Si Kim ay kapatid ni Ma'am Carla. Nakilala ko lang din siya sa restaurant nila. Laging siya ang nagre-receive ng mga dini-deliver ko. "Hindi ba naitawag ni Ate Carla na ako ang magpi-pick up ng mga order niya?" Saglit akong natigilan. Oo nga pala, naitawag na ito sa akin kahapon. Akala ko naman isa sa mga tauhan ni Ma'am, si Kim pala. "Naitawag niya pero ang akala ko isa sa tauhan niyo." "Oh, ako ang laging walang ginagawa kaya ako na ang nagprisinta." Ngumiti siya sa akin. Tumingin siya sa kainan ko. Anim lang ang mesa doon, at hindi ganoon kalaki. Pero hindi nawawalan ng customer. Kaya masuwerte rin ang puwesto ko. Malapit din kasi sa isang factory at may establishment ng gobyerno din kaya