GRAESON'S POV MABILIS ang takbo ko papuntang sasakyan ko nang makalabas ng kainan nila Athena. Hinintay ko pang makapasok ang ina niya bago ako tumakbo. Pero bago ako nakaalis ay narinig kong tinatanong niya si Prince kung kanino anak. Hindi ko na narinig ang sinagot ni Athena. Baka kasi biglang dumaan din ang kapatid niyang ayaw sa akin. Yes, tahasan niyang sinabi sa akin ang lahat nang araw na dumalaw siya sa bahay ko mismo. Kaya wala na nga akong maihaharap sa kanila talaga. Sinasamantala ko lang ang kalagayan ni Athena dahil alam kong babalik kami sa dati. Napamura ako pagkapasok ko nang maalala ang telepono ko. Naiwan ko yata sa mesa nila Athena! Napahampas ako sa manibela at hindi sinasadyang matamaan ang busina kaya napatingin ako sa bahay nila Athena, partikular na sa bintana.