ATHENA’S POV “TAMA na ang pagpapahirap sa sarili mo, Athena. Kung ganito man lang lagi. Mas mabuti pang–” “Tama na po, ‘Tay. Please?” Pigil ko kay Tatay. Nakakahiya sa mga Santillan. “I-I’m sorry po.” Tumingin sa akin si Grae. “I–inaamin kong marami akong naging kasalanan kay Athena. P-pero hindi ko naman po iyon ginusto at mas lalong hindi ko po sinasadya. May mga bagay lang po talaga na hindi namin napag-usapan kaya po umabot sa puntong ito.” Sa ama ko naman siya nakatingin. “S-sinubukan ko pong magpaliwanag sa kanya pero hindi pa po handa si Athena. Alam kong huli na, pero kung bibigyan lang po ako ng pagkakataon ng anak niyo na kausapin siya– na pag-usapan ang lahat, maipapaliwanag ko po ang lahat,” “G-Grae…” Sumingit na rin ang Ginang dahil sa tensyon sa loob ng aking silid. Pa