ATHENA’S POV BAKAS ang kaligayahan ni Ayden nang dumating siya sa bahay ni Graeson. Sinalubong naman siya ng ama ni Prince. Tinanghali kasi nang gisiing kaya nito lang nahatid ng magulang ni Grae. “Dito na po tayo titira, Mama?” Sasagot sana ako ng pansamantala nang unahan ako ni Graeson. “Oo, anak. Kaya magiging masaya na naman ang bahay ko dahil sa inyo.” Tumingin siya kay Prince. “At siyempre, si Prince din. Gusto ka niyang laging kalaro.” Nagngitian ang dalawang bata pagkuwa’y nag-apir. Hindi naman halatang close ang mga ito. “Ngayon ko lang nakitang tuwang-tuwa si Prince,” ani ng Ginang sa anak. “Buti hindi niya hinahanap ang totoo niyang magulang.” Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi si Graeson ang ama ni Prince? Tumingin sa akin si Graeson. “Hindi naman daw niya hahanapi