ATHENA’S POV “IBIG sabihin, ngayon lang niya nai-report sa ‘yo ang mga nangyari sa hearing noon?” tanong niya kay Graeson. Kakalabas lang ni Attorney Lorenzo noon. Hindi na ako nakinig sa usapan ng mga ito dahil kay Prince at Ayden na naliligo sa may pool. Tapos sabay ding natapos ang mga bata magbihis nang matapos sila sa pag-uusap kaya wala na akong naabutan. “Yeah, hon. Lahat-lahat. Ang bilin ko kasi sa kanya, ipapatawag ko na lang siya kapag handa na ako. Eh, ngayon lang ako tumawag, kaya ngayon lang siya nagpakita sa akin.” “Oh. Ang tagal, a.” Ngumiti si Graeson sa akin pero sumeryoso din kapagkuwan. “Anyway, bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa sa ‘yo ni Lester sa ‘yo sa banyo?” Madilim na ang mukha niya ng mga sandaling iyon. “G-Grae…” “Why?” “Dahil ngayon ko lang din na