ATHENA’S POV PILIT na inignora ko ang nararamdaman kong galit ng mga sandaling iyon. Lumapit ako kay Graeson na noo'y huminto din nang makita ako. "H-hon, anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ni Grae sa akin nang makalapit ako. "Actually, sinadya kitang puntahan dahil sa Mommy mo. Gusto ka niyang umuwi ngayon din dahil nami-miss ka na niya— ng pamilya mo. Kaya sana umuwi ka naman sa kanila kahit na saglit." Akmang tatalikod ako nang may nakalimutan akong sabihin. "Kasama nila ngayon si Ayden, pero susunduin ko na." Tumalikod na ako kaagad. Ni hindi ko nagawang ngumiti kay Prince nang kawayan niya ako. Hindi ko hahayaang makita ni Ayden ang babaeng kasama ng ama niya. Wala akong choice kung hindi ang ilayo na sa kanya ang anak namin. "Pupunta kami ni Graeson sa bahay nila kasam