ATHENA’S POV "MAMA, bilis! Nasa labas na po ang sundo natin!" "Ang aga naman," komento ko habang nasa loob ng silid namin. Kukuha lang ako ng towel ko na dadalhin sa banyo. Basang-basa na kasi ang isa na ginamit ni Ayden kanina Pasado alas tres pa lang kaya ng hapon. "Ayden!" sigaw ni Ate Chona nang makitang tumalon ang anak mula sa upuan. "Hindi naman po ako nasaktan, Mommy Chona!" "Kahit na. Delikado. Paano kung nasaktan ka?" "Sorry na po." Yumuko si Ayden habang nakaharap sa kapatid Umiling ang kapatid at inayos ang damit ni Ayden. Napangiti ako sa kanila. Iginiya ko na ang aking sarili sa banyo. "Magsuot ka na ng sapatos habang naliligo na ang Mama mo," dinig kong sabi ni Ate. Nandito siya kasi magpapatulong ako sa buhok ko at kolorete ko sw mukha. Pangit naman kung hindi