ATHENA'S POV "ARE you okay?" Napatango ako kay Prince nang tanungin niya ako. Ang dami kasing inutos ang Daddy niya. Pakainin ko si Prince, punasan at patulugin din daw. Eh, anong silbi kasi ng Yaya ni Prince? "Okay lang ako, Prince. Kumain ka na para makapagpunas na. Kailangan mo ring matulog ng maaga para makapagpahinga ka." "Wala na po akong lagnat, Miss Athena. Sipon na lang." "Mabuti naman para hindi na nag-aalala ang Daddy mo sa 'yo." Hindi na umimik ang bata. Basta talaga ang Daddy niya ang pinag-uusapan, nanahimik siya. "Hindi na po siya magagalit kasi alam niyang nagsasalita na ako." "Talaga? Narinig ka na ba niyang nagsasalita?" Tumango siya. "Lagi naman po. Kaso hindi po ako nakikipag-usap talaga sa kanya kapag may mga tao. 'Yon ang gusto ni Daddy G kaso ayoko. Kaya si