CHAPTER 14: I MISSED YOU ATHENA'S POV INISA-ISA kong kilala ang mga nag-practice sa field. Kakatawag lang ni Lester sa tauhan niyang nasa likuran ko. Mag-practice lang daw muna sila. At aabutin daw ng kalahating oras kaya ang ginawa ko, hindi tumutok doon. Kilala ko naman na ang mga sasakyan ng kalaban nila Lester. Alam kong madaling araw na noon pero tumawag pa rin ako sa numero ni Graeson. Kanina ko pa siya hindi nakakausap. Actually, simula pa ng hapon. Sa text lang siya nagpaparamdam. Naka-apat na tawag ako bago niya sinagot. "Hon, I'll call you later. Okay? Love you!" aniya sabay pataty niya ng linya. Medyo napuputol pa nga ang boses niya. Ano kaya ang ginagawa niya ng mga oras na ito? Gising na gising pa siya. Parang may pinagkakaabalahan lang. Gusto ko lang siyang makausap sa