CHAPTER 29: FEVER ATHENA'S POV NAGISING ako sa sunod-sunod na tawag sa aking telepono. Pagtingin ko, pasado alas-dos na pala ng madaling araw. Si Ate Chona ko pala iyon, kaya naman mabilis ko siyang sinagot. "A-Ate, napatawag ka?" malat pa ang boses ko dahil sa kagigising ko lang. Saka kanina ko pa ramdam ito, ang panaka-nakang pagkati ng aking lalamunan. Kaya hindi na ako nagtaka na medyo minalat na ako. "Mabuti at sinagot mo na. Nasaan ka?" Hindi muna ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Um, n-nandito ako sa bahay ng dati kong katrabaho, Ate. N-nakikitulog. M-malapit kasi sa istasyon ng pulis kaya hindi na niya ako pinauwi." "Mabuti naman. Kaya ako napatawag sa 'yo para sabihing sumama pala si Ayden kila Isagani.Kanina ka pa raw tinatawagan ni Isagani, pero hin