ATHENA’S POV “CLOSE your eyes, man,” utos ni GS sa anak. Titig na titig noon si Ayden sa dating boss habang nakaupo sa counter kaya ganoon din ang huli. “A-ako na lang kaya,” ani ko kay GS nang akmang pupunasan niya ang mukha ni Ayden. May hawak siyang wipes noon na bahagya niyang binasa. Nilingon ako ni GS. “Dyan ka lang.” Tumingin pa si GS sa damit ko. “Baka madumihan ang damit mo, puting-puti pa naman,” “P-pero masyado na kaming nakakaabala sa ‘yo.” “Hindi naman ako ganoon kaabala. Saka nag-e-enjoy si Prince sa labas, hindi niya ako hahanapin.” “I-ikaw ang bahala,” ani ko na lang. Nandito kami ngayon sa isang silid na inuukupa nilang mag-ama at nasa pintuan ako ngayon ng banyo habang sila ay nasa loob. Hindi ko maiwasang magpalipat-lipat nang tingin sa dalawa dahil parehas na