GRAESON'S POV PASADO alas-dos ng hapon nang magising ako. Mabilis pa nga akong bumangon dahil naalala ko, ngayon ang dating ng isang sasakyan ko. Hindi naman ako tanga para hindi mahulaan ang gusto ng Lester na iyon. Buti na lang, hindi naman gano'n kalayo ang La Union. Marami nang text ang nobya pero hindi ko muna ni-reply-an. Inuna ko muna si Harry na siyang matalik kong kaibigan. Huling update niya sa akin kagabi, kino kondisyon nq ang gagamitin kong sasakyan at isasakay sa mga truck para hindi naman ma-stresa kapag gagamitin ko. Actually, familiar sa akin ang sasakyan ng Lester na iyon. Baka nga nagkita na kami noon sa field. Minsan kasi, imbes na racing cars ang gamit namin, sariling sasakyan. Kaya siguro nakilala ni Lester ang gamit ko. Pero may isa pa akong alaga, si Grey.