ATHENA’S POV NAPAKAMOT na lang ako sa ulo ko. Akala ko hindi ko siya makikita ngayon. Tahimik kasi ang araw ko kapag wala siya. Naiirita kasi talaga ako sa boses niyang pagkalakas kung. Kung hindi sa anak niya, sa mga empleyado niya. Ewan ba. Hindi ko rin siya gustong makita. Baka dahil nasira niya agad ang impression ko sa kanya. Pero no choice ako ngayon dahil siya mismo ang pumunta dito. Siya pa rin naman kasi ang magpapasahod sa amin. “Sundin mo na lang lahat ng gusto ni Boss, Athena. Kapag nagalit siya sa ‘yo, pagpasensyahan mo na. Ganyan talaga kapag empleyado ka lang. Kailangan mong magtiis. Pero hindi naman nananakit ‘yan. Sigaw lang. At siguradong masasanay ka rin sa kanya.” Sinundan niya nang ngiti iyon. “Sige po, Miss Rhoda.” Akmang hahakbang ako nang may naalala. “Pwede ba