ATHENA’S POV KASALUKUYAN akong naglilinis ng binatana niya nang hindi sinasadyang mapalingon sa kanya at saktong nakatingin din siya sa akin kaya napabalik ako nang tingin sa ginagawa ko. “So, how are you?” “P-po?” nagtatakang sabi ko nang lingunin ulit siya. “You’re Athena, right?” “Opo. Nai-forward na po siguro sa inyo ang resume ko,” ani ko. “Don’t worry, magaling po akong mag-alaga ng bata. At wala po akong gagawing masama sa anak niyo, kung ‘yan ang iniisip niyo.” “Huh?” Siya naman ang napasabi niyan na may pagtataka. “I-I didn’t say that.” “Ah, akala ko po pinagduduhan niyo po ako. Kanina ko pa kasi napapansin na panay po ang check niyo sa akin. Kaya akala ko po pina-background check niyo ako.” Wala na siyang sinabi, nakatitig lang siya sa akin. Pero tinanggal din naman niy