Bumagsak ako sa bench na kinauupuan ko dahil wala naman sandalan nang tumama ang bola sa mukha, ang sakit ng mukha ko na parang sinapak ng tatlong pangit na nakaaway ni Fraynard, pakiramdam ko lumubog dahil sa bola. Umiikot ang paningin ko, nahihilo ako, parang may mga star na umiikot sa ibabaw, nakita kong dumungaw si Yash, Corz at si Fraynard sa mukha ko, may sinasabi pero hindi ko maintindihan at marinig ng maayos. Lumapit sa akin si Fraynard naramdaman ko 'yong dalawang kamay niya na hawak ako, hanggang sa maramdaman ko na lang na nakalutang ako kasi karga na niya pala ako, doon ko lang narinig ang mga sinasabi niya. "Wag kang matutulog, ang tanga mo talaga sabi kong iwasan mo ang bola!" Sigaw niya sa akin. Gusto ko siyang sapakin o kaya sigawan din, kasi hindi ko naman alam, tap