Nang makauwi kami sa bahay, nagluto muna ako ng tanghalian naman tapos tinulungan naman niya akong mag-ayos ng mga supply sa shop at maglinis, ang pinagtataka ko lang hindi siya nagrereklamo sa mga utos ko which is himala diba, o baka dahil lang yan sa libre ko kanina sa kanya.
Pagkatapos namin nagpahinga kami at nanonood ng tv, pero this time nakikipagtalo na talaga siya sa akin.
"Grabe talaga kayong mga babae bakit ang hihilig ninyong manood ng mga koreanovela hindi naman ninyo na iintindihan ang mga sinasabi nila dyan," wika niya habang nakabusangot.
"Eh ano bang pake mo at saka hindi mo ba nakikita?" Sabay turo ko sa tv, "may subtitle sa baba, bulag lang hindi nakikita," hina-highblood na naman ako sa kanya.
Paano naman nanonood kami o sabihin natin ako lang kasi hindi niya nag-enjoy sa palabas na The Witch Mirror, hinayaan ko na lang siya kong ayaw niya pero narinig ko pa yong mga bulong niyang reklamo sa tabi ko.
"'Yong mga lalaki lang naman dyan ang tinitignan ninyo dyan, hindi naman mga gwapo," sabi niya.
Binaba ko ang lays na hawak ko sa lamesa at hinarap siya, "gwapo sila, ikaw lang ang hindi."
Hinarap din niya ako at nagtataka sa sinabi ko, "ganyan ka ba talaga sa akin?" Biglang nalungkot ang tono ng pananalita niya, "ang tindi talaga ng galit mo sa akin kaya ganyan ka makapagsalita sa akin, kasalanan ko 'to kong bakit ganyan ka sa akin."
"Huh?" Ako naman ang nagulat sa inasal niya, nakatingin lang siya sa mga mata ko, parang ang awkward ng mga titig niya pero hindi ko mabawi ang tingin ko, 'yong pakiramdam na ang bilis na naman ng t***k ng puso ko, na andyan na naman, hindi ko alam kong bakit.
Baka naman isa na naman 'to sa mga pang aasar niya sa akin, "baliw ka talaga wag ka nga madrama hindi bagay sayo sa totoo lang," sabay harap ko sa tv, pero sa totoo lang hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko, gusto ko siyang uling tignan pero nahihiya ako, bakit ko ba 'to nararamdaman?
"Sorry."
Natigilan ako sa kinauupuan ko, tama ba 'yong narinig ko? O baka guni-guni ko lang 'yon. Humarap muli ako sa kanya, "bakit ka nag-sorry? Hoy wag ka nga ganyan, 'yong pang aasar at pang bwisit mo sa akin, ayos lang kasi sanay na ako sa ganyan mong ugali."
"Sorry Cyrel sa lahat ng pang-aasar na ginawa ko sayo simula pa noong high school."
Para akong malalaglag sa kinauupuan ko nang marinig ko sa kanya lalo na 'yong salitang high school. So ibig sabihin, naalala niya ako? Nag-init ang pisngi ko, para na akong kinakabahan, natatae ako na ewan sa kinauupuan ko. Nagkunwari ako na tumatawa, "high school? Sigurado ka ba, baka nga hindi mo ako naging schoolmate."
"I know who you are, galing ka sa Williams Academy, naging crush mo ang pinsan kong si Arvin, naging bully ako sayo dahil sa gatorade na natapon sa akin, sa lahat ng ginawa ko sayo sorry, immatured pa ako ng mga panahon na 'yon---
"Immatured ka pa rin naman hanggang ngayon," pangsisingit ko.
Bumuntong hininga siya sabay nguso sa akin, sa totoo lang ang cute niya tignan pag-ginagawa niya 'yon, sarap picturan para may souvenier ako. "Ok fine ituloy muna 'yong magabagdamdamin mong speech."
"Madali akong mainis, kaya ko lang naman ginawa 'yon kasi gustong-gusto talaga ni Corz si Arvin, dahil kaibigan niya ako tinulungan ko siya, medyo singit ka talaga sa story nila kaya ga'nun ang nangyari, wala naman akong balak gantihan ka dahil sa gatorade, gusto lang kitang takutin para rin madala ka at hindi ka na lumapit kay Arvin, kaso ang kulit mo. Pero naalala mo 'yong umiyak ka sa harapan ko tapos sinabihan mo ako tungkol sa pagpapahiya sayo, 'yong about sa condom."
Pinikit ang mga mata ko, nahihiya ako sa tuwing naalala ko 'yon, natatandaan pa pala niya talaga, pero at least inamin niya sa akin ang kamalian niya.
"Sa totoo lang hindi ako ang may gawa n'un, sila Pantene talaga gusto ka lang nila awayin kaya 'yon ang nangyari, pero never akong nang bastos sa babae kahit pangit ka pa," sabi niya.
"Aray ah," komento ko naman.
Ngumiti na siya sa pagkakataon na 'to, "kaya sorry."
Nag-cross arm ako sa harapan niya, "ayos na ako, hindi naman na maibabalik ang mga panahon kong ano 'yong ginawa mo sa akin, matagal na kitang pinatawad kasi pag-hindi ko 'yon gagawin mabubuhay ako na palaging stress ang buhay diba, hindi naman ako 'yong taong mapangtanim ng galot sa kapwa, masama 'yon, nag-sorry ka naman na, ayos na sa akin 'yon, sorry din at thank you."
Ang tino ng pag-uusap namin ngayon, ito na ang pinakamatino sa lahat sa kabila ng away-away relationship namin, masasabi kong may good side ang badboy na 'to, bago 'to sa akin.
Ngumiti siyang muli sa akin, "so pwede muna bang ilipat kasi mabait na ako ngayon sayo."
Napangiwi ako sa sinabi niya, so may kapalit pala, hindi na ako nagreklamo kasi naman nag-sorry na siya alangan makipagtalo na naman ako sa kanya kaya pinagbigyan ko na lang, nilabot ka sa ibang channel saktong maganda ang palabas ang title eh The Warriors Gate, nanonood na rin ako.
BACK to normal na naman ang lahat, bumalik na sila mama at kailangan na naman naming bumalik sa school. Katulad ng dati na sabay kaming papasok ni Fraynard, kahit na nagkaintidihan na kamo kahapon may mga bagay pa rin kamong hindi napagkakasunduan kaya ang nangyayari nauuwi sa pagtatalo, hindi na siguro mababago 'to dahil ito na talaga kami sa isa't isa.
"What?" Oa na reaksyon na naman ni Yash, kiniwento ko lang na naman sa kanya ang lahat. "Baka naman nang trip na naman sayo tapos ikaw naman naniwala, kong ako sayo wag kang maniniwala sa sabi-sabi niya."
Napangiwi ako, "ang oa mo talaga kahit kailan, sincere naman ang tao sa paghingi niya ng sorry hayaan na lang natin." Nag-uusap kami ngayon nig kaibigan ko sa isang bench sa field sa ilalim ng malaking puno, wala na kaming klase dahil biglang meeting ng buong faculty dahil sa darating na activity sa susunod na buwan.
Hapon naman at hinayaan na nilang umuwi ang mga estudyante, kami ni Yash hindi pa umuwi dahil masyado pang maaga, magtatagal muna ako ng kaunti bago umuwi, at saka sabay kami ni Fraynard hindi ko lang siya mahanap ngayon.
"Aba kailangan mong maging sigurado, pag-pinagtripan ka na naman niya hindi ako magdadalawang isip na ipatikim ang kamao ni Yash," sabay himas niya ng kanang kamao na handang nang sumuntok sa kalaban.
"Pero teka lang bakit ka pala nasa amin noong sabado? Hindi naman kita na inform ah," pag-aalala ko tungkol sa pagtulong din niya noong sabado.
Napasulyap sa akin at parang gulat na gulat sa tanong ko pero bigla rin nagbago 'yon, "ah 'yon ba syempre sinabi mo sa akin na wala sila mama, na isip kong tumulong kahit hindi na ako magpaalam kaya nagpunta ako hindi ko naman alam na andoon ang L7."
Tumango tango na lang ako sa kanya baka nga nagkataon lang, natigilan kami pareho nang may ingay sa field, dumadami pala ang tao kasi may maglalaro.
"Diba ang L7 'yon?" Sabay turo niya sa field kong saan nag-aayos ng formation ng katulad sa soccer.
"Oo nga 'no," mga nakasuot sila ng pang-soccer uniform ng WC, lalo na si Fraynard na nag-uunat kasama ang mga team member ng soccer team, teka lang kailan pa siya napasali dyan, na andoon silang lahat maliban kay Corz na siyang papalapit sa amin tapos tuwang-tuwang kumakaway.
"Anong ginagawa niya bakit papalapit siya sa atin?" Bulong ni Yash.
"Makikipagkaibigan yan sa atin, mabait yan, wag ka nang maraming tanong," sabay kaway ko rin sa kanya ginaya naman ako ni Yash.
Umupo siya sa tabi ko kaya pinagigitnaan ako nila Yash at Corz, pinakilala ko naman sila sa isat isa, ang ngiti ni Yash halatang plastic hindi pa siya ata sanay na may iba kaming kasama, lalo na't isa itong L7.
"Ano palang ginagawa nila?" Tanong ko na lang kay Corz.
"Kakapasok lang nila as new member sa soccer team, may pre-game kaya nakasama sila," sagot ni Corz na tuwang-tuwa sa anim.
Wow, ang bilis ah, ang tanda ko sports din ng barkada nila 'tong game na 'to. Pinanood namin sila ng sabay, hanggang sa iisa na lang ang tinitignan ko, si Fraynard, hindi ko alam pero nasa kanya na lang ang atensyon ko habang naglalaro siya sa field, parang nag-slow motion ang paligid, ang gwapo niya.
Huh? Ano ba 'tong iniisip ko, ano bang nangyayari sa akin, nakita ko na lang na agaw ng iba ang bola kay Fraynard, nagkatinginan kami sa mga mata namin, nag-init ang pisngi ko, pero bakit nakakunot ang noo niya tapos kinakawayan niya ako na umalis.
"Cyrel!" May sumigaw ng pangalan ko, hindi ko alam kong si Yash o si Corz laking gulat ko na lang na may bolang paparating sa akin, hanggang sa tumama sa mukha ko, bulls eye.