Pagkabangon ko sa kama umunat-unat muna ako, didiretso na sana ako sa banyo para maligo nang maalala ko si Fraynard baka mamaya matagalan kami sa pag-alis kong hindi pa siya gising, kumatok ako sa pintuan ng guest room. "Fraynard gising na, hindi kita hihintayin kong ang bagal-bagal mo!" Sigaw ko sa kanya, siguro narinig naman niya 'yon, bahala na lang siya.
Muli akong bumalik sa silid ko para makapag-ayos, matagal akong maligot at umaabot ng isang oras. Kasi minsan habang nag-shampoo ako binabasa ko pa ang nakasulat sa likod ng lalagyan ng shampoo o kaya para hindi ako mabigla sa lamig dahil mahina ako roon, nagpapalobo pa ako, 'o diba ang saya.
Pagkatapos ko roon nagbihis agad ako, nagsuot lang ako ng strip na itim at puti na blouse at pinatungan ko ng jamper na maong, diretso short na abot hanggang tuhod, nagsuot lang ako ng puting tennis shoes at sling bag na brown. Kaunti ayos pa, lumabas na ako ng silid ko, pagtingin ko pintuan ng kwarto ni Fraynard, sarado pa rin, tinignan ko siya kong nasa sala ba siya o kusina, wala naman, bahala na nga kong tulog pa siya, weekend naman tapos baka pagod pa dahil kahapon.
Pagbaba ko sa shop laking gulat ko na nakaupo sa harapan ng isang lamesa malapit sa pintuan, nakabihis na siya at halatang bagong ligo, nakasuot siya ng long sleeve na itim tapos long-t pa siya , tapos maong na itim na may sira ng kaunti sa magkabilang tuhod, tapos naka-vans, para siyang model sa itsura niya, nakaramdam na naman ako ng pagbilis ng t***k ng puso ko, pero agad 'yon na nawala nang sigawan niya ako.
"Ang bagal mo naman, kanina pa ako naghihintay dito!" Reklamo niya.
Agad akong lumapit sa kanya, "kanina ka pa talaga?"
"Ano sa tingin mo?" Para siyang na iinis sa akin lalo na sa pagsagot niya.
"Sorry naman hindi ko naman alam na excited ka pala."
"Hoy hindi ako excited sadyang mabagal ka lang kumilos."
Umagang-umaga ganito siya, sira talaga. "Oo na SORRY na po hindi ko po SINASADYA," pagdidiin ko sa kanya ng salitang sorry at sinasadya.
Pero parang hindi naman siya na apektuhan, na una na siyang naglakad palabas, nag-make face naman ako habang nasa likuran niya, excited lang siya sa libre ko samantalang marami naman siyang pera kesa sa amin, hindi lang siya inaamin. Pagkalabas ko, ni-lock ko agad ang shop mula sa labas. Lumapit ako kay Fraynard na nakasimangot, umagang-umaga talaga umiiral na naman kaartehan niya.
"Na saan na ang mga kaibigan mo, diba sabi ko sayo sabihan mo sila na aalis tayo ngayon para malibre ko sila," sabi ko na lang.
"Sinabihan ko na pero ayaw daw na nila, pagod daw sila tapos ayos naman na hindi muna sila ilibre marami naman silang pera, mayayaman ang mga 'yon."
"Ay sayang naman, pero bakit ikaw sasama ka pa sa akin? Naawa 'yon sa akin na baka mabawasan ang kita natin kahapon tapos ikaw sasama ka pa, samantalang mayaman ka rin katulad nila diba," humarap siya dahil sa sinabi ko, parang nanglulumo siya tapos nakanguso.
"Ano? Wag mong sabihin na binabawi muna 'yong sinasabi mo, ang daya naman nagbihis pa ako tapos hindi naman pala matutuloy," reklamo niya sa akin.
Matawa-tawa ako sa itsura niya kasi para siyang bata, "ang oa mo talaga kahit na kailan, wala naman akong sinabing hindi tuloy, nagbabakasakali lang naman po na umayaw ka na."
"Ikaw talaga," hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya ng unahan na naman niya ako sa paglalakad, pailing-iling na lang ako na sumunod sa kanya.
"Tahooo!"
Nahinto ako ng huminto rin siya, hindi ko alam kong bakit hanggang sa makita kong sinusundan niya ng tingin 'yong magtataho. "Gusto mo?"
Hindi siya makasagot pero halata naman sa kanya na gusto niya, tinawag ko 'yong manong na nagtitinda ng taho, lumapit naman siya sa amin, bumili na ako ng dalawa hindi pa naman kami nag-almusal dahil balak kong mag-almusal sa mall na lang bago kami mag-grocery.
Inabot na sa akin ni manong ang gawa na niya kaya binigay ko na lang kay Fraynard, nang makuha ko 'yong akin magbabayad na sana ako nang biglang magsalita si Fraynard sa tabi ko.
"Isa pa," nagulat ako lalo na nang makita kong wala nang laman ang baso niya, saan na punta? Ang bilis naman ata.
Edi wala akong na gawa kong di bumili uli para sa kanya, hanggang sa umabot ng limang baso na ng taho ang naiinom niya, napangiwi na lang ako habang pinapanood ang pang huli niyang baso, magsasabi pa sana siya ng 'isa pa' ng iabot ko sa kanya ang akin na wala pang bawas.
"Yan sayo na yan, mag-almusal pa naman tayo sa mall baka masobrahan ka ng tamis sa katawan," sabay hila sa kanya palayo sa naglalako ng taho.
Tuwang-tuwa naman siyang kinuha ang akin, parang bata, naubos na naman niya 'yon bago kami makasakay ng tren, may isang oras kasi ang biyahe bago makarating sa mall. Natatawa pa ako sa kanya kasi hindi siya marunong gumamit ng beep card kanina sa pila, halatang first time lang niya sasakay ng tren at gumamit n'un, alam ninyo rich kid eh.
Sa totoo lang nakakahiya pala 'to kasama pag-aalis, nakipagtalo lang naman siya sa isang lalaki kasi gusto niyang umupo, nagrereklamo siya kasi buong biyahe kaming nakatayo, bunuan kasi ngayon dahil linggo, ilang beses ko siyang sinaway na tumahimik kasi pinagtitignan na kami ng mga tao kasakayan namin.
Pagkarating namin sa mall agad niya akong hinila sa kong saan, siya raw ang pipili ng kakainan namin, may napili naman siya, sa isang pizza parlor, gusto raw kasi niyang kumain ng pizza at carbonara for breakfast, sosyal diba.
Wala naman masyadong tao pa kaya nakapila agad kami, nang kami na ang sunod sa pila, sinabi niya agad lahat ng order niya, ako naman daw magbabayad kaya wala siyang dapat problemahin pero gusto ko ring sabihin sa kanya na wag niyang ubusin lahat ng dala kong pera na tama lang para sa pamasahe, pangkain at pamimili.
Isang family size ang sinabi niya, dalawang iced tea, dalawang carbonara at tatlong garlic bread. Nang aalis na kami at tapos na magbayad may tinanong pa ang cashier na titig na titig kay Fraynard.
"Magkapatid ba kayo?" Tanong niya sa amin.
Nagkatinginan kami ni Fraynard at halatang nagulat sa tanong ni ate, pero biglang nagsalita si Fraynard. "Hindi miss nagkakamali ka magtatay po kami, anak ko po siya," pilosopo niyang sagot sabay alis sa counter.
Habang si ate naman parang na inis sa sagot ni Fraynard, mukha na ba kaming magkapatid ni Fraynard? "Sorry ate ah," sabay ngiti at umalis na.
Nakita ko naman agad siya at umupo sa tapat niya, nakanguso siyang tahimik doon. "Bakit ka ba ganyan?"
Tinaasan niya ako ng kilay sa tanong ko.
"Anong klaseng tanong yan?" Tanong naman niya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy, "kasi naman lahat na lang pinapakita mo 'yong ganyan mong ugali kahit hindi mo kilala, pilosopo ka, tapos kong anong mga lumalabas sa bibig mo, hindi ba pwedeng maging mabait ka kahit saglit lang o ilang oras, wala naman mawawala kong sasagot ka ng maayos sa mga nagtatanong o kumakausap sayo."
Nagseryoso naman siya ng tingin sa akin, "alam mo hindi ko naman ipakita na mabait ako sa ibang tao o kahit kanino, may papuri ba akong makukuha, matutuwa ba sila kong ga'nun minsan pagnagpakita ka ng kabaitan sa iba iisipin nila ang plastic mo o kaya mag-iisip sila na nagpapakitang tao lang ako, diba hindi mo alam kong saan ka lulugar, pagnaging masama ka naman sa kanila masama ka na talaga wala nang mababago, wala maman akong kailangan patunayan sa kanila kong sino ba talaga ako, hindi ko naman ikakabusog yan. Hindi ko kailangan maging mabait, kahit minsan kong sino pa ang mabait sila naman talaga ang masasama ang ugali, at ang masasama sila talaga ang may magandang ugali, tinatago lang nila."
Ngayon ko lang narinig kay Fraynard 'yon ah, nakakatuwa rin kahit parang may pinang huhugutan siya, napangiti na lang ako. Saktong dumating na 'yong order namin.
"Psh wag kana ngumiti dyan mukha kang aso, kumain ka na lang dyan," sabi niyang muli.
Hindi na ako umimik at kumain na lang. Pagkatapos namin doon, dumiretso na kami sa grocery store, binili ko kong ano 'yong mas kailangan sa bahay at shop, pero minsan nagpapadeliver si mama kaya hindi ko naman kailangan lahatin ang kailangan. Sinabi ko naman na pumili na rin siya ng gusto niya, so 'yon ang nangyari parang mas marami pa ang pinamili niya kesa sa akin. Pagnagkulang talaga 'tong pang bayad ko, hihingian ko siya.
Nagtalo pa kami sa ilang rekado samantalang mas marunong pa ako sa kanya. Pagkarating namin sa counter para magbayad, nang ako na ang magbabayad bigla niyang hinarang ang kamay niya at atm card niya ang nilabas niya. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na ng kunin 'yon ni ateng cashier.
"Teka ako ang magbabayad, bakit mo ginawa 'yon?" Gulat ko habang hawak ko pa ang wallet ko na handa nang magbayad.
Parang hindi niya ako naririnig hanggang sa ibalik sa kanya ng cashier ang atm card niya, wala na bayad na lahat, hanggang siya na mismo ang kumuha ng dalawang bag ng ego bag na puno ng pinamili namin at siya na mismo ang nagbuhat, ang bilis niya talagang maglakad.
Habang naglakad siya at bitbit niya sa magkabilang kamay ang ego bag, na isipan kong kunan siya ng litrato, nilabas ko ang cellphone ko at habang nakatalikod siya kinunan ko nga siya ng picture, ang ganda niya kasing tignan, hindi man niya sabihin pero isa siya sa mga masasama pero mabait naman talaga, pagkatapos n'un agad kong tinabi ang cellphone at wallet ko.
"Sigurado ka ba dyan Fraynard, binayaran mo lahat ah."
Tumigil siya at tumingin sa akin na parang hindi siya interesado, "minsan talaga hindi ko alam kong ginagamit mo yang utak mo, nakita muna man diba, binayaran ko na, ang dami pa kasing sinasabi eh," iritado niyang sabi sabay lakad uli, sumunod na lang ako sa kanya, gusto ko siyang tulungan kaso ayaw niya kaya hinayaan ko na lang.
Nang sumakay uli kami sa tren pabalik sa bahay, nakaupo naman kami kasi wala naman masyado nang pasahero, doon ko naramdaman ang pagod, salampak talaga ako sa upuan, katabi ko naman si Fraynard habang tahimik pa rin siya, hindi ko alam kong saan ko ibabaling ang ulo ko o iuunan man lang.
May naramdaman na lang ako na kamay at nakita ko na lang na nakaunan na 'yong ulo ko sa balikat niya, "matulog ka na lang muna, gisingin kita pagmalapit na tayo," ang amo ng boses niya.
Ang sarap sa pakiramdam, parang ang komportable, ang lakas na naman ng t***k ng puso ko pero dahil inaantok ako, pinikit ko na lang ang mga mata ko.