Fraynard and friends

1463 Words
Parang nagkamali ata ako na yayain silang maghapunan sa bahay namin, mula rito sa kusina tanaw na tanaw ko sila sa sala, ang gulo nila, triple ang gulo kong pinagsama-samang Fraynard, hindi ko 'to inaasahan. Si Kent basta lang kumuha ng maiinom sa ref at beer pa ni papa ang kinuha, si Elven naman basta lang din kumuha ng maiinom, 'yong iced tea ko pa na tinatabi. Si Jojan at Yash nagtatalo sa sala kong anong papanoorin nilang channel, hindi ko alam kong anong meron sa kanila kong makapagtalo sila akala mo matagal nang may alitan sa kanila. Si Adam naman pinagmamasdan ang mga libro sa sala na nakalagay sa shelf na collection namin ni papa, tahimik lang si Kelly sa isang tabi na pangiti-ngit habang pinapanood ang mga kasama nila, si Fraynard naman ayon pinagtitripan na naman si Kent. Hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko rito sa kusina dahil binabantayan ko rin sila sa mga ginagawa nila, ang lilikot ng ibang L7 eh. Bahala na nga, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagluluto ng simpleng ulam na beef steak nang lumapit sa akin si Corz. "May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang hinahalo ang niluluto ko na malapit na rin maluto, tapos hinihintay ko na lang din maluto ang kanin sa rice cooker. "Wala naman, baka ikaw kailangan mo ng tulong mukhang tense na tense ka dyan," sabi niya sabay tawa. "Hindi naman, gutom ka na ba? Sorry kong natagalan malapit na rin namang maluto 'to---" "Maswerte siya sayo," natigilan ako nang sabihin 'yon ni Corz sa akin. Nagtaka ako sa kanya, "ano ba yang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. "Wala I'm just saying na sana maging mag-friends tayo katulad sa inyo ni Fraynard." Natawa na talaga ako sa sinabi ni Corz, "siya kaibigan ko, parang mali ka ata dyan, hindi yan mangyayari palagi nga akong inaaway n'un." Napakunot noo siya, "naku mukhang wala ka nga alam, sa tingin ko kaibigan ang tingin sayo ni Fraynard pero hindi lang niya sinasabi kasi hindi naman siya ga'noong tao na nagsasabi ng nararamdaman niya. Since birth magkakaibigan na kami, alam na namin ang isat isa, kaya alam kong kaibigan ang turing sayo ni Fraynard, hindi naman niya kami pipilitin na pumunta rito kong kaibigan ka niya at gustong tulungan, sinabi niya kasi lahat sa amin na wala ang parents mo." "Huh?" Natigilan ako sa nalaman ko, totoo ba 'yon o baka mali lang ako ng dinig? "Kong sa akin ayos lang na sumama ako kay Fraynard medyo bored din sa bahay, si Adam sasama yan lalo na kong wala siyang maisusulat, tapos si Kelly hindi sana yan sasama dahil may iba siyang trabaho, si Kent naman first time lang niya gumising ng maaga para lang dito, si Elven naman ayaw niya sana kasi mang-chicks lang siya, kaso napilit namin dahil marami namang babae rito, ang dami nga niyang na kolektang number sa costumer, si Jojan naman ayaw sana kaso hindi ko alam kong bakit siya biglang dumating kanina, lahat niya kami pinilit lalo na ang boys, halos bugbugin pa nga niya ang tatlo, masaya naman ang araw na 'to kaya sa tingin ko hindi naman sila nagsisi." Kwento ni Corz habang inaayos ang plato sa lamesa. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakangiti, ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yon so mabait naman pala si Fraynard ayaw lang niya ipakita, nagiging masama tuloy siya sa paningin ko, may good side pa rin naman siya, magpapasalamat na lang ako mamaya. Tinignan ko si Corz, "yong sinabi mo kanina na gusto mo akong maging kaibigan, ayos lang naman sa akin." Si Corz naman ang nagulat sa sinabi ko, "talaga? Hala magkakaroon na ako ng kaibigan babae, thank you, don't worry hindi ako magiging pasaway katulad ni Fraynard," sabi niya sa akin. Tinulungan niya na lang ako maghanda hanggang sa maghapunan na kami sabay-sabay, habang kumakain kami, may ilang biruan at kwentuhan, ang saya pala pagganito kahit minsan si Fraynard naman nakikita ko 'yong totoo niyang ngiti, kanya-kanya kami ng puwesto sa harap ng lamesa. "Kakambal ni Dora," napasulyap ako nang magsalita si Kent, sino pa ba ang tatawagin niya ng ga'nun, ako lang naman pero hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanya kong di ang lahat. Namumula ang pisngi niya, wag niyang sabihin na lasing na siya sa isang bote lang ng beer. Mapupungay din ang mga mata niya, "pwede bang tayo na?" Napangiwi ako sa tanong niya at the same time nagulat, "huh?" Binatukan naman siya ni Fraynard, "baliw ka Kent-tot!" Sigaw pa nito sa kaibigan niya. "Wag munang alalahanin yan ganyan yan pagnakakainom, kong sino-sino tinatanong niya ng ganyan kaya Elven 2.0 yan eh. Kasi maraming pinapaiyak na babae dahil sa kalasingan," kwento ni Elven sa akin. "Sadyang malandi lang siya katulad mo iba lang ang way," singit naman ni Jojan na tahimik na kumakain habang katabi si Yash. Naging magulo ng kaunti ang habang kumakain kami ng hapunan, ilang beses pang nakipagtalo si Fraynard para lang sa ulam, kahit kaibigan inaaway basta lang makakain siya, ang takaw. Kahit sa maikling oras at panahon nakilala ko rin sila ng kaunti, marami pa lang maling akala ko sa pagkatao nila, hindi naman sila lahat mayayaman katulad ng akala ko noong high school sadyang artistahin lang ang mga kutis nila at anak mayaman. Katulad na lang ni Kelly na isa pala siyang butler s***h bodyguard ng isang mayamang pamilya, kaya pala ang gali niya sa martial arts kahit hindi halata sa kanya, si Kent simula noong high school nakikitira lang kila Elven na mayaman talaga, hindi ko na tinanong kong bakit. May isang bagay pa akong nalaman kay Kent, si Kent bawal malasing o magpunta sa mga bar kong saan maraming alak, bakit kamo, simple lang madali siyang malasing kahit siya talaga ang pinakamagaling makipag-inuman sa lahat, isa pa bigla na lang siya na-inlove sa mga babaeng nakikita niya, sasabihin niyang sila na, tapos hindi na siya lasing malalaman na lang niya may jowa na pala siya kaya makikipag-break naman siya, kaya marami na siyang napapaiyak na babae kahit hindi niya gusto. Si Adam naman isa palang secret writer sa w*****d na amaze nga ako sa bagay na 'yon, silang nakakalaam, mahanap nga ang gawa niya sa w*****d, kaya pala tingin siya ng tingin sa mga libro namin ni papa, mahilig siyang magbasa, magkakasundo kami sa bagay na 'yon. Si Corz hindi naman talaga siya maarte o b***h na madalas kong marinig sa schoolmate ko noon, maling-mali kasi ang bait niya, kaya pala sila Fraynard lang ang kaibigan niya kasi walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil malandi ang tingin sa kanya, pero na isip ko she's one of the boys ng L7.  Si Elven eh wala naman pagbabago, babaero talaga siya, si Fraynard wala rin o sadyang hindi lang niya pinapakita ang tunay na siya o baka sa mga kaibigan lang niya. Natapos kami na tawa lang ng tawa, ang saya pala nilang kasama, hindi sila nauubusan ng kwento sa pangunguna ni Elven na talo pa si Corz sa kadaldalan. Tinulungan naman nila akong maglinis at maghugas ng pinagkainan, hinatid na lang namin sila sa labas. "Sa uulitin," sabi ni Adam. "Naku maraming salamat talaga sa inyong lahat," sabi ko sa kanila hanggang sa makaalis sila. Sinala raw din ang maghahatid kay Yash, alam ko naman na masaya rin siya, siguro hindi rin niya inaasahan 'to kaso may naalala akong itatanong pa pala ako sa kanya kaso wala na siya, sa susunod na lang siguro. Nasa loob na uli kami ni Fraynard, siya na rin mismo ang nag-lock ng pintuan, nasa likod lang niya ako, "maraming salamat." Agad naman siyang humarap sa akin, "huh?" "Sabi ko salamat sa tulong kasi pinapunta mo sila rito, kaya maraming salamat kasi ikaw naman talaga ang may pasimuno, thank you, thank you, thank you very much," paulit-ulit kong sabi habang nakangiti. "Wala 'yon pasasalamat ko rin 'to kasi tinulungan mo ako nong may sakit, wag kang mag-alala bukas na andito pa sila para tumulong," sabi niya habang nakapamulsa. "Hindi na kailangan, magsasara na muna ang shop bukas." "Bakit?" Nagulat siya na parang pinakapangit na balita ang narinig niya. "Wala na kasing supply sa shop tapos dito sa bahay inubos ni Kent at Elven. Kaya mag-grocery na lang ako bukas, kong gusto nila sumama na lang sila sa atin tapos ilibre ko na lang kayo total sobra naman ang naging kita ngayong araw," paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango naman siya at parang nahimasmasan, "ga'nun ba, sige." Tumalikod na siya sa akin para pumasok sa guest room pero bigla uli siyang humarap, "goodnight Cyrel," sabay ngiti niya at nagmadaling pumasok sa loob ng silid. Natigilan ako sa ginawa niya hindi ko alam kong bakit pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD