Join Force

1419 Words
Nagising ako na dumadagundong ang buong bahay namin, may malakas na music pero hindi ko alam kong saan galing wala naman na sila mama dahil kagabi pa sila umalis para sa biyahe nila, tapos hindi naman namin 'yon ginagawa pagnagbubukas ng shop, pero parang dito talaga galing sa bahay namin ang malakas na ingay. Pasalamat na rin ako kasi pang alarm ko 'yon, kailangan ko pang gumising ng maaga para buksan ang shop, magluluto pa ako ng almusal tapos ilalabas ko pa ang ilang upuan at lamesa. Paglabas ko ng silid ko rinig ko agad ang musika na nang gagaling sa baba, sa mismong shop. "Ano bang nangyayari?" Bumaba agad ako at habang papalapit ako naririnig ko 'yong Ride ng Twenty-one Pilot. Nang nasa shop na ako, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, imposibleng mangyari 'to dahil una weekends at pangalawa ang aga pa, pero ang daming tao at puros pa mga kaseng edad namin, bakit namin kasi na andito lang naman ang buong L7 tapos si Yash, paano nangyari 'to? Nilibot ko ang tingin ko, si Corz ang nasa counter ang haba ng pila at lahat ng upuan at lamesa halos mapupuno. Si Elven at Kelly naman ang nag-aanyaya na pumasok sa aming shop ang mga nagdaraan, may ilang kumukuha ng litrato kay Elven. Si Adam, Jojan na nakikipagtalo kay Yash at Kent lumalapit naman sa costumer para kunin ang order nila. Nilibot ko ang tingin ko sa lahat hanggang sa makita ko si Fraynard katulad nila tumutulong din sa shop may suot pang apron na itim at may hawak pang bilog na tray. Nagtataka akong nakatingin sa kanya, panaginip ba 'to? Pero bakit sila ang nasa panaginip ko, may mali na ba sa utak ko? "Bakit hindi ka pa magbihis? Maligo ka nga roon may panes na laway ka pa sa pisngi, dalian muna ikaw ang may-ari ng shop na 'to tapos ikaw ang pinakahuli sa amin." Reklamo niya pero hindi siya galit, parang normal lang siyang nakikipag-usap sa akin. "Ah-eh paano nangyari 'to? Bakit sila na rito? Wala naman akong pang bayad sa service nila ngayon?" Sunod-sunod kong tanong, oo nag-aalala ako salamat naman na tumulong sila siguro pero hindi naman ako humingi ng tulong mas lalong wala akong pang bayad. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat ng bitawan niya ang tray sa counter at saka niya ako hinarap sa hagdan, parang tinutulak niya akong bumalik sa taas, "dalian muna at wag mo nang isipin ang mga bagay na yan." Sabi niya hanggang sa maitulak niya ako, wala naman akong na gawa kong di ang mag-asikaso alangan naman haharap ako sa kanila na may panes na laway at nakapang tulog pa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras naligo at nag-asikaso agad ako, anong oras kaya nila binuksan ang shop? Si Fraynard ba ang nagpapunta sa kanila at para saan? Hindi pa rin mawala ang mga katanungan na yan sa isip ko. Pagkatapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa baba, sa may shop, hindi pa rin nagbabago ang dami ng tao, lumapit naman ako kay Corz sa may counter. Ngumiti lang siya at sabay bati sa akin, "good morning boss." Patawa-tawa lang ako na parang nahihiya, "good morning wag nang boss, Cyrel na lang," nag-aalangan ako kong magtatanong ako kong bakit sila narito pero parang wala namang oras sa ga'nung bagay kaya nagpaalam ako na didiretso na lang sa kusina, maghahanda pa ako ng ilang pastry dahil alam ko naman kong paano 'to gawin, turo ni mama, master ko na nga ang mga best selling pastry na gawa ni mama. Habang gumagawa ako ng dalawang cake, bigla naman pumasok sa kusina si Kent, kabisado na nila ang shop na 'to tapos parang matagal na nila 'tong ginagawa. Napatakbo pa siya ng makita niya ang mga cake, tuwang-tuwa siyang tinitignan 'yon. "Wow kakambal ni Dora mukhang masarap yan," sabi niya sa akin. Maganda na sana kaso may kakambal pa ni Dora, mahirap na ba bigkasin ang pangalan kong Cyrel, hinayaan ko na lang dahil tumutulong siya sa shop. "Gusto mong tumulong?" Tanong ko sa kanya tapos tumango-tango lang siya ng bata, para naman talaga siyang bata kong kumilos. Tinuro ko sa kanya kong paano paghahaluin ang mga rekado na pag-gawa ng icing at kong paano gamitin ang pang halo. Madali naman siyang natuto, nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng pumasok naman si Fraynard, maaliwalas ang mukha niya pero nang makita niya si Kent biglang kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa mo rito Kent-tot diba ang sabi ko roon ka lang sa labas?" Tanong ni Fraynard. Huminto si Kent sa ginagawa niya at humarap kay Fraynard na may mga dumi ang pisngi niya, "una sa lahat wag mo akong tawaging Kent-tot ang bastos pakingan, pangalawa ang bobo mo talaga Nard kita mong naghahalo ako ng icing nagtatanong ka pa, walang katulong ang kakambal ni Dora rito tapos marami naman sila roon kaya dito na lang ako." "Doon ka nga sabi sa labas dalian mo hinahanap ka roon ni Elven," sabay hatak ni Fraynard kay Kent sa labas, so gusto niya maghirap ako rito maganda nga na may tumutulong sa akin rito. Akala ko pati siya lalabas pero bumalik siya sa puwesto rati ni Kent habang naghahalo. "Paano ba 'to ginagawa?" Inosente niyang tanong sa akin. "Akala ko ba kailangan ng maraming tao sa labas," pag-uulit ko ng sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin, "ituro muna lang sa akin kong paano at wag ka nang makipagtalo." Hindi na nga ako nakipagtalo at tinuro ko lang ang ginagawa ni Kent kanina, sa una nahihirapan siya, mas madali pa lang turuan si Kent kesa sa kanya, pero nagawa naman niya mag-isa. Siya ang naging assisstant chef ko sa kusina, tahimik lang siya at minsan naman ay magtatanong, unang pagkakataon na tahimik siya habang kami lang maganda pala. Hindi pa rin na ubos ang tao sa shop, ano kayang ginawa nila at dumami ang tao? Ang mga na uubos na display pinapalitan agad namin, nong magtatanghali na hindi ko na nagawang magluto nahihiya ako sa kanila kasi nag-order na lang sila sa fast food sinama pa nila ako, tapos kumain, kami ni Fraynard sa loob ng kusina kumain, parang pahinga na rin. Kain lang siya ng kain at sumulyap ako sa kanya, "hoy bakit na andito ang mga barkada mo? Naligaw ba sila?" "Oo naligaw sila at pasalamat ka dito sila napunta," sarkastikong sagot niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at ginantihan din niya ako, mas lalo kong siningkitan ang mata ko. "Ano ba yan Fraynard umayos ka nga, tinatanong ka ng maayos," saka ko inayos ang tingin sa kanya. "Psh, sinabi ko na 'to kila tito at tita na tutulong ang barkada ko habang wala sila, pumayag naman sila kaya pinapunta ko sila rito, ano ayos ka na ba?" Sagot niya sabay subo ng kinakain niyang chow fan. "Good yan ang gusto kong marinig 'yong maayos mong sagot," pero bigla rin akong natigilan, "hindi ako na inform na pupunta pala sila rito, hindi man lang sinabi sa akin nila mama." "Sinabi nila ata sayo hindi ka lang ata nakikinig," sabi niya uli habang ngumunguya pa, minsan talaga walang manners 'to si Fraynard. Hindi na ako nagtanong sa kanya, at nang oras na naman ng trabaho nag-asikaso na naman kami. Natapos ang buong araw na ganito puro trabaho at na ubos halos lahat ang mga rekado sa kusina namin. Nag-sara rin kami ng maaga dahil wala na talaga, as in na ubos pati ang mga natitirang display, kumita lang naman kami ng triple sa hindi ko inaasahan. Nang tignan ko sila isa-isa halatang pagod na pagod na nakaupo sila sa mga puwesto nila parang si Fraynard lang ata ang hindi napagod sa kanila, hindi ko alam kong bakit, inaasar pa nga niya si Kent about sa pangalan nito na bastos daw pakinggan. "Guys," kinuha ko ang atensyon nila at hindi naman ako nabigo, "maraming salamat sa pagtulong, hindi ko alam kong paano ko kayo pasasalamatan, pero maraming-maraming-maraming salamat talaga." "Sa akin ayos na kahit kiss na lang," sabi ni Elven. "Aray!" Batok naman ni Fraynard sa kanya, "para saan 'yon?" "Wag kang bastos," suway ni Fraynard. Huminga ako ng malalim, "bilang kapalit sa ginawa ninyong kabutihan, ipagluluto ko kayo ng hapunan---" Hindi pa ako nakakatapos ng magsigawan sila sa tuwa, hindi ko alam kong saan parte, pero sa simpleng bagay ayos na sa kanila, parang marami pang bagay ang hindi ko alam sa kanila, parang mali rin ako ng akala sa kanila noong high school, mababait naman sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD