Simula nang makauwi kami sa bahay hindi ko na talaga siya pinansin, as if he doesn’t exist in my life, ganern! Minsan nakakasalubong ko siya pero kahit inis na inis na ako sa pagmumukha niya hindi talaga ako kumikibo, alam kong pinapanood niya ako sa mga kinikilos ko pero wala akong pake alam, kong na guilty siya sa ginawa niya sana lang patayin siya ng guilty niya.
Natapos na ang hapunan namin at na andito ako sa sala habang nanonood ng paborito kong palabas sa isang channel na pinapalabas lang tuwing huwebes ng gabi, inubos ko rin ang black forest na desert ko may natira raw kasi kaya kinain ko na.
Tahimik lang ako habang patawa-tawa sa katangahan ng karakter na pinapanood ko sa palabas, naramdaman kong may tumabi sa akin sa sofa, pinakiramdaman ko kong sino, gusto ko sanang lingunin pero hindi ko nagawa nang magsalita siya sa tabi ko.
“Hoy,” ang ganda ng tawag niya sa akin pero hindi ko siya kinibo.
Tinuon ko na lang sa pinapanood ko ang atensyon ko pero natigil ako nang may kamay na kumakaway sa harapan ko, “Cyrel,” tawag niya sa akin, inalis niya agad ang kamay buti naman baka kagatin ko pa at magsisi siya.
Halos magulat ako nang humarang siya sa pinapanood ko, hindi ko pinahalata pero gusto ko na talagang ibato sa kanya ang platong hawak ko na may laman pang cake, nagpapatawa siya sa harapan ko at kong ano-ano pang ginagawa.
Hindi ko alam kong anong gusto niyang mangyari o baka na-bored siya at wala siyang mapagtripan kaya ako na naman ang pinagtripan niya ngayon. Hindi ko talaga siya kinikibo kunwari hindi ko siya nakikita, natigil naman siya at muling bumaling sa puwesto niya.
“Cyrel galit ka ba sa akin?” Sa tono ng pananalita niya para siyang malungkot.
Oo, sobra, ikaw ba naman sabihan ng bagay na hindi naman totoo nakainsulto at nakakabastos sa part ko lalo na siya ang nagsabi, hindi dapat ako maiinis pero sumobra ka na pero hindi ko sinabi ‘yon.
Narinig ko ‘yong pagbuntong hininga niya, “sorry na, sorry kanina sa mga sinabi ko.”
Tuluyan na akong natigilan sa ginagawa ko at nawala ako sa focus, si Fraynard Feliciano nagso-sorry sa akin? Aba himala, totoo ba ‘to? Hindi na muna ako humarap sa kanya hinihintay ko kong may sasabihin pa siya at hindi ako nagkamali.
“Sorry na, alam ko naman na hindi ka ga’nun, dapat hindi ko sinabi ‘yon kasi baka kaibigan mo pala ‘yon o kaya dapat nagtanong ako bago ako mang husga, kaya sorry na, alam ko naman ‘yong tulong na ginawa mo, marunong akong tumanaw ng utang na loob sa totoo lang, salamat pala.”
Napakagat labi ako, nagpipigil ako pero kanina ko pa gustong ngumiti, totoo nga ‘to? Sana ni-record ko para panakot sa kanya diba pag-may ginawa siyang masama uli o may sinabi siyang hindi maganda.
“Galit ka pa rin ba?” Tanong niya kasi hindi pa rin ako nagsasalita.
Ibang-iba ang Fraynard na ‘to sa lahat parang hindi siya.
Bumuntong hininga uli siya, “ok kong hindi ka pa ok sa akin hindi na ako mangungulit---”
Bago pa man niya tapusin ang sasabihin niya humarap na ako sa kanya na may malawak na ngiti sa labi ko, malungkot pa rin siya may yakap pa siyang malaking lays.
Nakangiwi pa siya ng kaunti, “ganyan ka ba talaga kailangan pahirapan mo muna ako?”
“Bakit sinabi ko bang mag-sorry at makipagbati ka sa akin?” Pagsusungit ko sa kanya pero nakangiti pa rin ako sa kanya.
“Eh baka kong ano na namang isipin mo tungkol sa akin, hindi naman talaga masama ugali ko,” sabi niya.
“Wow hiya naman ako sa kabaitan mo, at saka kailangan ka pa nagka-concern sa isipin ko tungkol sa ugali mo?” Sarkastikong tanong ko sa kanya.
Nakabuka ang bibig niya na parang gustong niyang sumagot kaso hindi na lang siya nagsalita at tinikom na lang niya ang bibig niya. Pero ilang segundo nang magsalita uli siya, “sayo na ‘to,” sabay abot sa akin ng lays.
Lalo akong natuwa, “talaga akin na ‘to, thank you.”
“Benta ko lang sayo ng bente?” Napangiwi ako sa sinabi niya.
“Yan na lamunin mo,” sabay hagis sa kanya pabalik ng lays.
Narinig kong tumawa siya, nang aasar na naman siya, muli niyang binalik sa akin ang lays, “biro lang sayo na talaga siya peace offering at sorry na rin sa ginawa ko sayo, basta kalimutan mo na lang ‘yon.”
Kinuha ko na lang ‘yong lays baka magbago pa ang isip, “wala nang bawian, natatakot ka lang kasi na isumbong kita kila mama kaya ka nagkakaganyan, yan sayo na rin yan,” sabay abot ko sa kanya ng cake na tatlong subo pa lang ang bawas.
Tinaasan lang niya ng isang kilay ang plato na may cake, “bibigyan mo ako ng kinainan muna tapos ako binigyan kita ng hindi pa bukas, ang unfair naman ata niyan.
“Edi wag.”
“Ay hindi sige akin na lang ‘to,” sabay kuha niya sa kamay ko at sumubo ng isa, “baka mamaya may gayuma pa ‘to?” Nagsasalita pa habang may laman pa ang bibig niya, na saan ang manners?
“Asa Fraynard, asa ka pa,” sabi ko na lang sa kanya.
Binuksan ko na rin ang lays na binigay niya, kaya ang nangyari para rin kaming naghahati sa pagkain naming dalawa habang nanonood, ilang beses pa siyang nagreklamo na ilipat ko naman sa action kaso na sa akin ang remote kaya ako na sunod, wala naman siyang nagawa dahil iisa man lang ang tv sa bahay.
BIYERNES na naman at ito ang pinakapaboritong araw ng lahat lalo na ang mga estudyante dahil kasunod na nito ang weekends, araw ng pahinga, pero pansin ninyo pag-weekdays o may pasok parang ang haba ng araw tapos pag-weekends ang bilis lang, pansin ninyo ba ‘yon, kaso parang hindi so never mind.
Katulad ng dati sabay na naman kaming naglakad ni Fraynard pumasok, nasa likod lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may text, agad kong kinuha baka importante o baka si Yash.
Pero nang mabasa ko ang text hindi ko maiwasang mapangiti kahit simple lang.
To: Calvin pogi <3
Hi, ingat sa pagpasok, Calvin here.
Mag-reply pa sana ako nang may humablot ng cellphone ko, si Fraynard na binabasa rin ang mensahe ni Calvin, napakunot noo siya, kinuha ko naman agad ang cellphone ko.
“Hindi ka marunong sa salitang private property,” reklamo ko sa kanya sabay tago sa bag ko ng cellphone.
“Ano ba yan boyfriend mo? Ang baduy pa ng pangalan niya sa phonebook, Calvin pogi, tunog bakla.”
“Ingit ka lang kasi siya pogi kesa sayo!”
“Sino nagsabi?” Inis niyang tanong sa akin.
“Ako hindi mo ba narinig huh!?” Ang alam ko nagtatalo na naman kami sa maliit na bagay.
“Psh!” ‘Yon na lamang ang naging reaksyon niya.
“Isa pa anong pake mo, kailan pa kita naging tatay, talo mo pa mga magulang ko, akala ko ba magbabago ka na.”
Hinarap niya akong muli, “hindi ko sinabing magbabago ako, wala naman akong kailangan baguhin sa sarili ko, isa pa nag-sorry lang ako tapos ang usapan, nagtatanong lang naman ako kasi baka mamaya pagnagtanong sila tita at tito kong sino yan anong isasagot ko, boyfriend mo.”
“Problema mo, ano nga kong boyfriend ko ‘to?” May halong pagkasarkastiko ang tono ng pananalita ko habang nakapamewang pa, buti na lang wala pang masyadong nagdaraan sa sidewalk kaya walang nakakita sa amin.
“Ano?” Gulat na gulat siya sa sinabi ko.
“Ang oa mo talo mo pa si Yash, wala akong boyfriend, ok, isa pa partner ko ‘to sa research work, masaya ka na, alam muna isasagot mo kilala kong sakaling tanungin ka nila?”
‘Yong mukha niya kanina inis na insi at magkasalubong na kilay biglang umayos na para bang nakahinga ng maluwag, “ga’nun ba, ok dapat kasi isang tanong isang sagot, madali lang naman pinapaalala mo pa, ang daldal at ang ingay ng bibig mo nakakarindi.”
“Ano---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ng isang kamay ang bibig ko habang hawak ng isang kamay niya ang likod ng ulo ko kaya wala akong kawala.
“Tama na, ang puso---ay este ang bibig mo talo mo pa ang mama mo, malate na tayo niyan,” sabi niya saka niya ako binitawan.
Pasalamat siya, tumahimik na lang ako habang inis na inis pa rin sa kanya, kahit kailan siya.