Wala na ako sa focus sa kakaisip kay Fraynard, eh bakit ko ba siya iniisip? Masyado na ba akong na apektuhan sa pagiging maarte ng lalaking ‘yon? Pero aaminin oo, na apektuhan nga ako, na-guilty ako na parang galit siya sa akin, pakiramdam ko may mali akong nasabi kanina na hindi ko naman nararamdaman noon.
Simula sa una at pangalawa kong subjects ganito na ako, tulala, parang wala sa sarili, ilang beses na rin akong napapabuntong hininga.
“Hoy bruha!” May tumulak sa kinauupuan ko, sino pa ba edi ang magaling kong kaibigan.
Sinimangutan ko lang siya, “ano ba? Wag kang maingay baka mapagalitan na naman tayo ni prof kitang mo terror ang isang ‘to,” sabay balik ng tingin sa blangko kong notebook, kanina kiniwento ko rin sa kaibigan ko ang lahat, siya lang naman ang napapagsabihan ko ng mga ganitong bagay.
“Ay bruha nga, baliw ka talaga, wala nang klase kanina pa kita tinatawag wala na sila,” pagkasabi niyang ‘yon.
Tinignan ko ang paligid ko, wala na nga tao kong di kaming dalawa na lang, ganito ba ako mag-isip ng malalim, hindi ko namamalayan ang mga nasa paligid ko.
“Iniisip mo na naman siya, alam mo hindi naman kailangan, paano kong drama lang niya ‘yon, alam muna ang mga katulad nila magaling umacting paano kong kasama lang ‘to sa pang trip niya so wake up Cy-Cy,” sabi ni Yash.
Natauhan naman ako sa sinabi niya, “tama ka dyan, bakit ba ako nagpapa-apekto sa damuhong ‘yon,” pagsang-ayon ko.
“Tama that’s the spirit girl,” sabay tango-tango niya, “halika na gutom lang din yan.”
Niyaya na niya ako palabas ng room, dumiretso kami ng canteen, katulad ng dati sasalubong sa amin ang ingay ng canteen lalo na ang ingay ng L7 galing sa palagi nilang puwesto, nangunguna na naman si Fraynard, tama nga si Yash drama lang niya ‘yon para makaramdam ako ng ganito.
Natigil naman siya sa kaingayan niya nang mapasulyap siya sa direksyon namin, inismidan ko lang siya at sabay lakad palayo sa kanila kasama ang kaibigan ko. Hindi nga dapat ako magpadala sa pinapakita niya at sa emosyon ko. Bumalik uli ang dati kong sigla at nakipagdaldalan lang ng kong ano-ano sa kaibigan ko.
BUMALIK uli sa dati ang sigla ko hanggang sa pang huli kong subjects at hindi ko inisip pa si Fraynard. Nakikinig ako ngayon sa prof namin dahil may research work daw kaming gagawin at ipapasa next month, hindi ko block mate si Yash dito kaya mukhang wala akong katulong dito. Tungkol daw sa mga tourist spot sa Pilipinas.
“Dahil research work ito, mas maganda na by pair ang magtatrabaho, ako mismo ang magbibigay ng partner ninyo, girls and boys ang tandem,” dahil sa paliwanag ni prof may ilang umangal dahil sa pairing, hindi nila makakapartner ang mga gusto nila at kaibigan, may ilan namang natuwa dahil baka mapartner sila sa gwapo, sa dami naman ng gwapo sa block na ‘to.
Wala naman akong magagawa kaya hindi na ako nagreklamo, sa pangit man ayos lang, kong sa gwapo aba mas maayos dagdag inspiration kong ga’nun diba. Hinintay kong matawag ang pangalan ko.
“Escudero, Calvin ang partner mo si Estrada Cyrel at ang topic ninyo sa research ay Bulacan.”
Nang sabihin ni sir ang magiging partner ko nagulat ako dahil, hindi ako makapaniwala si Calvin Harris na ex ni Taylor, ay hindi, si Calvin Klein na brief, ay hindi rin, kasi siya lang naman ang commander sa ROTC, sikat na sikat ito sa buong campus dahil isa siya sa mga gwapo rito.
Hindi ako makaimik sa upuan ko, sinulat ko na lang ang magiging topic namin, paano ba ako mag-approach sa kanya, never pa akong naki-approach sa mga lalaki rito kasi ang madalas kong nakakapartner sa projects si Yash o kaya ibang ka-block mate ko babae pa.
Natapos ang klase hanggang sa matawag ang pang huling estudyante at nagpaalam na si sir. Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga ka block mate ko, habang inaayos ko ang gamit ko may huminto sa harapan ko.
“Hi,” tinignan ko kong sino ‘yon, si Calvin.
Nahiya ako sa putian niya lalo na ‘yong ngiti niya na akala mo commercial model ng tooth paste, “he-hello.”
“Ikaw diba si Cyrel, ako si Calvin,” pakilala niya.
Aba kilala niya ako, parang gusto kong sabihin na kilala na kita hindi muna kailangan magpakilala, kaso nakakahiya baka isipin stalker niya ako.
“Hi Calvin, pag-uusapan na ba natin ‘yong tungkol sa research?” tanong ko sa kanya.
Tumawa naman siya, “no, gusto ko lang magpakilala muna sayo, pwede bang next week na lang natin umpisahan ang research hindi kasi ako pwede sa weekends, busy ako, kong ayos lang sayo?”
“Naku ayos lang, masyado naman maaga kong gagawin natin ngayon diba, at saka next month pa ang pasahan tapos busy rin ako sa weekends,” totoo naman kasi ako ang magbabantay ng shop habang wala sila mama para sa anniversary nila.
“That’s good, pwede bang makuha ang cellphone number mo?” Sabay labas niya ng napakaganda niyang touch screen na cellphone.
“Huh?”
“Alam muna para malaman natin ang sched ng bawat isa, para madali na rin kitang makontak kong sakali.”
“Ah oo nga pala buti naisip mo,” akala ko kong ano na, ang malisyoso ko naman mag-isip.
Nagpalitan na kami ng number saka siya nagpaalam at nagpasalamat, may training pa raw ang mga freshmen sa pamumuno niya kaya pinauna ko na siya, hindi ko maiwasang mapangiti siguro mukha na akong aso sa harapan niya, para kasing nakakapagdala siya ng good vibes pagkausap mo siya ga’nun.
Paglabas ko ng room laking gulat ko na andoon pala si Fraynard habang nakasimangot naka-cross arm pa ang mga kamay.
“Kaya pala ang tagal mong lumabas, wala na lahat ng mga classmate mo nagpaiwan pa talaga kayo kasama ng lalaking ‘yon, anong ginawa ninyo?”
Nang laki ang mata ko sa tanong niya, mas madumi pa pala mag-isip ang isang ‘to, “ano na naman bang problema mo ah? Kanina diba hindi mo ako kinakausap tapos ngayon kakausapin mo ako, at saka wala ka nang pake kong anong gagawin ko sa buhay ko.”
“Kanina pa po kasi ako naghihintay dito, akala kong ano ng nangyari tapos malalaman ko nakikipaglandian ka, alalahanin mo kagagaling ko pa lang sa sakit tapos ang bagal mo kumilos, baka mamaya bumalik na naman ang sakit ko dahil sayo.”
Nainis na ako sa sinabi niya, “watch your word, wala kang karapatan pagsalitaan ako ng malandi kasi wala kang alam! Wag kang magmagaling, epal ka! Wala rin akong pake alam kong magkasakit ka uli kasi masama ang ugali mo, wala ka ugali ni hindi ka nagpapasalamat sa akin na inaalagaan pa kita kahit na naiinis ako sayo.”
Hingal na hingal ako ng matapos ko ang sasabihin ko, natigilan din siya sa sinabi ko, naglakad na ako palayo at iniwan na siya, hindi ko alam kong nakasunod ba siya o ano basta ang gusto ko makauwi na ako. Mas maganda pa noong may sakit pa siya hindi siya nakakapagsalita ng mga kong ano-anong bagay.
Ano pa bang aasahan ko sa lalaking ‘yon? Magugunaw na lamang ang mundo hindi pa rin siya nagsasabi ng sorry sa lahat ng taong pinagtripan niya, hindi na siya magbabago, spell ASA!