Red Flag

1168 Words
Naalimpungatan na naman ako sa pangalang pagkakataon, may naririnig kasing akong umiiyak malapit lang sa akin, para akong zombie na dumilat at bumangon sa kinahihigaan ko. Sisigaw pa sana ako nang makita ko si Fraynard pala 'yong umiiyak, nagtaka ako at nag-alala kasi umiiyak siya. Nagising ang buong kong pagkatao at agad akong umupo sa tabi niya, "Fraynard isusugod ka ba namin sa ospital? Naku ano bang nangyayari sayo," litong-lito na ako, tatayo pa sana ako para tawagin sila mama nang maramdaman kong may humawak sa laylayan ng manggas ko. "Mama wag mo akong iwan," sa pagkakataon na 'yon nang marinig ko 'yong sinabi niya sa pagitan ng pag-iyak niya, as in parang talon kong tumulo ang luha niya sa pisngi galing sa mata. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, "a-ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya hindi pa rin niya ako binibitawan, kitang-kita ko na pinagpapawisan na rin siya kaya tinaggal ko ang bonet niyang suot. "Ma wag mo akong iwan," yan lang naman ang paulit ulit na sinasabi niya, mukha na ba akong nanay niya o baka nanaginip lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya na hawak pa rin ang laylayan ng damit ko at hinimas-himas. Awang-awa ako sa kanya sa pagkakataon na ito, ano ba talagang nangyayari sa kanya, "N-nard tulog na hindi ka naman iiwan ng mama mo." Hindi ko alam kong naririnig niya ako basta sinabi ko na lang kong ano 'yong pwedeng sabihin sa kanya ng mama niya. Siguro miss na miss na niya ng sobra ang mama niya kaya nagkakaganito siya kahit sa panaginip. Huminga ako ng malalim saka ako kumanta ng lullaby, ilang minuto nang dahan-dahan bumitaw sa akin si Fraynard, hindi na rin siya nagsasalita o umiiyak, parang naging maamo ang mukha niya kaya huminto na rin ako, pero naiwan pa rin akong nakatitig sa mukha niya. KINABUKASAN nagising ako na ang sarap sa pakiramdam na nakahiga na naman ako sa malambot kong kama, hinihimas-himas ko pa tapos lalo ko pang yinakap ang kumot kong nakatakip sa akin, dinilat ko ang mga mata ko nang maalala kong nakahiga ako sa malambot na kama samantalang nakahiga ako sa lapag kagabi. Napabangon ako ng wala sa oras kahit na gusto ko pang mahiga, nakita ko mula sa lapag na andoon pa rin ang mga ginamit ko, "paano ako napunta rito?" Nakahiga na kasi ako sa kama ni Fraynard, pagtingin ko sa paligid ko wala naman siya, bago ako lumabas inayos ko na muna 'yong ginamit ko, baka gising na siya at magaling na. Agad akong lumipat sa silid ko, pagkapasok ko naman sa banyo ko at pagtingin ko sa salamin laking gulat ko na ang dumi ng mukha ko. May guhit ng pentel pen ang mukha ko na parang pusa sa magkabilang pisngi, tapos may mga dots pa, may balbas pa ako at bigote, tapos sa kanang mata ko may bilog, unti-unti akong nakaramdam ng inis, isa lang naman ang gagawa nito sa akin eh habang tulong ako. Magaling na ang halimaw kaya magagawa na niya ang gusto niya. "Grr! Ahh!" Sigaw ko sa inis saka ko inumpisahan na hilamusan ang mukha ko na baka hindi matanggal ang pentel pen na gawa niya. Siya na nga itong inalagaan ko, ito pa ang igaganti niya sa aking epal siya. Pagkatapos ng isang oras at kalahati sa banyo, nakalabas din ako sa wakas nakita ko na siya sa kusina na kumakain, nang sulyapan ko siya kitang-kita sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa. Padabog akong umupo sa harap niya, pasalamat siya natanggal ko 'yong dumi sa mukha ko, hindi man lang siya na apektuhan sa masama kong titig habang siya ngingisi-ngisi lang siya sa akin. "Na andyan ka na pala anak, parang ang tagal mong maligo ngayon ah, kumain ka na baka malate at iwan ka pa ni Fraynard, sabay pa kayong papasok niyan," paalala sa akin ni mama. Aba kong alam lang nila kong anong ginawa ng mahabong ugaling lalaki yan na patawa-tawa pa sa harapan ko. Kong malaman lang nila, malamang kakaawaan nila ako, kaso hindi kasi hindi nila alam. Nang matapos akong kumain at magpaalam kila mama, na una na akong lumabas. Ngmadali akong naglakad para hindi na niya ako masundan o magkasabay papasok, pero ang damuho ang haba ata ng paa at nasusundan pa ako. "Hoy!" Sigaw niya sa akin mula sa likod, "hoy tumigil ka sabi!" Huminto na ako pero hindi ako humarap sa kanya, siyang ang lumapit siya may kailangan eh. Pagharap niya sa akin nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Para saan yan? Pulubi ka na pala ngayon at namamalimos ka na sa akin." Tinaasan niya aki ng isang kilay, "ang cellphone ko," sabi niya. Naalala kong nasa akin pa pala 'yon kaya nilabas ko galing sa bag at padabog na nilagay sa kamay niya sana naman maramdaman niya kong ga'ano kainis sa ginawa niya sa akin diba. "Buti naman at buo pa 'to, baka mamaya kong anong pinag gagalaw mo rito," reklamo niya kahit binigay ko na sa kanya ang cellphone. "Ang kapal talaga ng mukha mo, marunong ako makaintindi ng salitang private property ng isang tao, at saka anong gagawin ko dyan eh meron din akong cellphone. Hindi ka na lang magpasalamat sa pag-aalaga ko sayo!" "Bakit sinabi ko bang alagaan mo ako!?" Parang na bwisit na rin siya sa kaingayan ko, sana lang talaga. "Hindi mo sinabi pero kargo ka ng pamilya ko, kasalanan mo naman talaga kong bakit ka nagkasakit? Mang gugulo ka sa isang gang tapos hindi naman pala kaya ng katawan mo, anong klase yan? Magpasalamat ka na lang kesa makipagtalo sa akin, wala ka talagang utang na loob, dahil sayo napahamak pa ako at napagalitan nila mama kahit sa totoo lang ikaw talaga ang may kasalanan, ako pa tuloy ang masama dahil sa nangyari, pero hindi mo 'yon naintindihan dahil wala ka nga utang na loob, ang baho talaga ng ugali mo, wala kang modo simula nang pinanganak ka ng mama mo, kaya siguro iniiwan kahit sa panaginip mo!" "Tama na!" "Bakit ako titigil kasi totoo? Nasasaktan ka?---" "Sabi nang tama na pwede!" Natigilan ako sa sigaw niya sa akin, hindi man malakas pero halatang galit siya, sa bilis kong magsalita hingal na hingal ako. Ang sama ng titig niya sa akin, teka lang ako na naman ang may mali? Na sobrahan ba ako? Tama naman ang mga sinabi ko ah. Hindi na siya kumibo at naglakad na siya palayo, baka naman nasaktan kasi totoo 'yong sinabi ko, aba nakakaramdam din pala siya ng ga'nun. Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya sa paglalakad, nang makarating kami pareho sa school agad siyang nilapitan ng mga barkada niya nang makita siya, pero ni hindi man lang niya kinibo ang mga ito, so badtrip nga siya. Pero parang na-guilty ako sa mga sinabi ko, yan tuloy sa kakausap ko sa kanya nagiging Fraynard na rin ako sa ugali, siguro mawawala rin 'to wala naman siguro kasalanan, tama lang na sabihin ko ang saloobin ko sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD