Concern

1622 Words
Wala naman masyadong nangyaring kakaiba sa school, wala lang simpleng buhay sa tingin ko pagmalapit lang si Fraynard nagkakaroon ng gulo, natatakot nga akong umuwi na baka balikan ako ng mga nakaaway niya, wala namang nangyaring kakaiba, malaking pasalamat ko na 'yon. Kumusta na kaya si Fraynard? Magaling ba siya? Alam ko naman na hindi siya papabayaan ni mama, magaling 'yon mag-alaga. Hindi ko rin ga'anong nakitang pakalat-kalat sa campus ang L7. Siguro ga'nun sila pag-wala si Fraynard kanina nga sa first subject namin ang tahimik nila, nag-uumpisa lang talaga ng ingay ang lider nila. Nahinto ako sa pag-iisip nang maalala ko na si mama pala ang nag-aalaga kay Fraynard, unti-unting nang laki ang mata ko nang may maalala ako, "patay," bulong ko sa sarili ko sabay kagat sa labi. Nagmadali na akong naglakad na halos takbuhin ko na para makauwi na sa bahay, kinakabahan na talaga ako, ilang minuto bago ako makarating sa shop, hingal na hingal ako, pinagtitignan pa ako ng mga kumakain doon, una kong nakita si mama, nang makita niya ako bigla niya akong sinamaan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, nakita na niya. Nang makalapit sa akin si mama hinila niya ang strap ng bag ko, wala akong magawa kong di ang magpahila kay mama, dinala niya ako sa loob ng counter. Binitawan na niya ako sabay hampas ng menu na hawak niya sa puwet ko kaya lumayo ako ng kaunti, "ma naman eh ano na naman bang kasalanan ko sayo," nagkukunwari na wala akong alam. "Sinungaling ka nang bata ka, kailan ka pang natutong magsinungaling sa akin, hala nakita ko si Fraynard puro pasa ano ba talagang nangyari sa inyo kahapon at sobra ang init ng katawan, ayaw pa kumain, sabihin mo sa akin ano ba talagang nangyari!?" Pinagtitignan na kami ng ibang kumakain doon. Mabait si mama pero wag mo lang siyang gagalitin kasi hindi ka niyan tatantanan, maririndi ka talaga sa ingay ng bibig niya. Wala naman akong nagawa kong di ang sabihin kay mama ang totoong nangyari, sabi na nga ba makikita ni mama ang pasa ni Fraynard sa mukha. "Hala umakyat ka roon sa taas initin mo 'yong corn soup at pakainin mo, bago mo painumin ng gamot," utos sa akin ni mama. "Ma naman hindi naman ako nurse eh at saka hindi ako marunong mag-alaga, ikaw na lang tapos ako na lang tutulong kay papa---" Nahinto ako ng tumikhim si papa ng pekeng ubo, mukhang gusto rin niya na alagaan ko si Fraynard. "Dalian muna Cyrel kong gusto mong makapaghapunan," sabi ni papa habang may pagbabanta sa akin. Napasimangot na lang ako sa kanila, "ano ba yan?" Bulong ko sabay talikod, umakyat na ako ng second floor, hindi naman kasi ako nurse eh. Binuksan ko 'yong unang pintuan na nakita ko, pintuan ng guest room buti naman hindi naka-lock, sinilip ko si Fraynard na balot ng kumot, tapos may suot na bonet na gray, nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi niya ako nakita. Bumuntong hininga na lang ako. Iniwan ko ang bag ko sa silid ko, hindi na ako nagbihis, dumiretso ako sa kusina, ginawa ko 'yong utos sa akin ni mama, nang maluto ang corn soup, nilagay ko sa bowl, nag-toasted na rin ako ng dalawang tinapay at nilagyan dairy cream. Nilagay ko lahat sa tray, kasama ang tubig at gamot niya. Pagbalik ko sa silid niya nasa ga'nung posisyon pa rin siya. Pinatong ko sa side table ang tray na hawak ko, umusog ako ng kaunti at sinilip siya, hindi ko naman makita kong gising siya pero bigla siyang gumalaw kaya natabig ang pang suporta kong kamay sa gilid niya kaya bumagsak ang itaas na bahagi ng katawan ko sa kanya. "Ahmmm," rinig kong umungol siya. Agad akong bumangon, nakaharap na pala siya sa akin habang nahihirapan dahil siguro sa pagkakabagsak ko sa dibdib niya. "Naku sorry Fraynard hindi ko sinasadya," sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita pero kita mo sa mukha niya na naiinis siya sa nangyari, "sorry na diba sorry." Dinampi ko ang mga kamay ko sa noo at leeg niya, hindi naman na ga'anong mainit pero halata sa mukha niya na hindi pa siya ayos. Huminga ako ng malalim at saka ako nagsalita, "hindi ka mapilit ni mama na kumain pwes hindi ka makakahindi sa akin, kakain ka at iinom ng gamot." Sabay ngiti ko sa kanya. Umiling-iling siya tapos pinipilit niya na samaan ako ng tingin. "Hindi ka nga makakahindi sa akin, kakain ka o kakain ka," hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya kong kaya pa niya makapagsalita, kinuha ko ang bowl na may corn soup, "nganga baby Fraynard," sabi ko na parang bata ang kausap ko at nilapit ang kutsara sa kanya. Umiling-iling siya at nakatikom pa rin ang bibig niya, "ayaw mo talaga, gusto mo magdala ako ng bakla rito tapos ipapa-r**e kita." Dahil sa sinabi ko binuka niya ng kaunti ang bibig niya, "good boy," sabay subo sa kanya, "ang arte-arte mo pa kakain ka rin pala," sabi ko sa kanya wala akong pake alam kong naririnig niya 'yon.  Sinubuan ko na lang siya ng sinubuan, "ayan ang bait talaga ni baby Fraynard namin, pagdating ng pasko reregaluhan ka ni st. North ng regalo, kong sobrang mabait ka baka sa november pa lang na andyan na ang regalo mo." Sabay tawa ko, siya ang sama lang ng tingin niya sa akin, wala naman siyang magagawa kasi may sakita siya, lubusin ko na 'to. Ga'nun lang, nagdadaldal lang ako habang pinakain siya dahil sa ginawa ko naubos naman niya lahat. Pati rin ang gamot na pinagduldulan ko pa sa bibig niya eh na inom niya kasi ayaw niya, sabi na nga ba hindi ako pwedeng nurse eh baka mapatay ko ang aalagaan ko. "Alam mo ba hinahanap ka ng mga kaibigan mo kanina, namimiss ko na ata ang sabi ko sa kanila patay ka na," nang laki ang mata niya sabay tingin sa akin ng masama. Patawa-tawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya, ang sarap niya talagang asarin, "joke lang ikaw mamatay, parang imposible, diba masamang d**o ka." "Pero wag kang mag-alala excuse ka naman sa mga klase mo kasi gumawa ng excuse letter si mama para sayo," sabi ko uli sa kanya. "Siguro naman makakapasok ka na bukas, sa galing kong mag-alaga lahat ng patay nabubuhay," sabay tawa ko sa kanya, wala naman siyang reaksyon kaya magsawa na ako hangga't ganyan pa siya, sabihin nating ganti na rin 'to sa mga pinag gagawa niya sa akin noon. "Anak Cyrel kain na rito!" Narinig kong sumigaw si mama mula sa kusina, abot hanggang silid ni Fraynard. Inayos ko na 'yong pinagkainan ni Fraynard, "sige magpahinga ka na dyan." Iniwan ko na siya at pumunta na ako sa kusina, sumabay na ako kila mama at papa sa hapunan. Ilang beses pa akong pinagsabihan dahil sa nangyari at kong naalala ko pa ang mukha ng mga gumawa n'un kay Fraynard. Hayyy naku kong alam lang nila na si Fraynard naman talaga ang may problema kaya siya nagkaganyan ngayon. Kakatapos ko lang tulungan magligpit sila mama sa pinagkainan namin nang magsalita ito, "mas maganda kong bantayan mo si Fraynard sa silid niya, doon ka na matulog." Nang laki ang mata ko sa sinabi niya habang titig na titig ako sa kanya, "mama nagbibiro ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi anak, mukha ba akong nagbibiro?" "Ma naman maayos na si Fraynard hindi na niya kailangan ng bantay habang natutulog, ano 'yon bata?" Inis kong sabi. "Saan mo gusto matulog, sa labas o sa guest room para bantayan si Fraynard ngayon lang naman anak, parusa na rin yan sa pagsisinungaling mo, pinagtakpan mo pa ang ginawa ni Fraynard." Wala akong nagawa kong di ang sumunod, hindi na ako nakipagtalo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ko at makapaglinis, kumuha ako ng extra sheet kasi sa lapag ako matutulog, hila-hila ko 'yong mga 'yon hanggang sa makapasok ako sa guest room. Nagtataka siguro siya kong bakit ako na roon tapos may dala pang unan at kumot. Binagsak ko lahat ng dala ko sa sahig, "dito ako matutulog, babantayan daw kita diba ang saya, double killed na 'tong pagpapahirap sa akin, kasalanan mo 'to," sabi ko sa kanya habang inaayos ang hihigaan ko sa lapag. "Kong may kailangan ka gisingin muna lang ako, goodnight," hindi pa rin maalis ang inis ko sa kanya, ako na nga nagpakain ako pa magbabantay, feeling hari talaga. Pagkaayos ko ng hihigaan ko, agad na akong humiga at pumikit para makapagpahinga na ako. NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong kumakalabit sa ulo ko, bumaling ako at saka tinatanggal kong kaninong kamay 'yon, "ano ba yan, natutulog pa ako," pikit mata kong sabi. Natigil naman, istorbo! Ilang minuto ang nagdaan nang may maramdaman na naman akong kalabit, hinihila naman ang buhok ko. "Ano ba!?" Napabalikwas ako ng bangon habang kumakamot-kamot pa ako, humarap ako kay Fraynard, hindi ko maidilat ng maayos ng mata ko dahil nagdikit ang muta ko. "Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita pero sumenyas siya sa kamay niya na parang iinom, alam ko na ang ibig sabihin n'un nauuhaw ang loko. Padabog akong tumayo, istorbo talaga eh. Para akong nag-sleep walk nang pumunta ako sa kusina para lang sa tubig niya, kumuha na ako ng isang pitsel at baso. Pagkabalik ko, pinainom ko agad siya. Hihiga sana ako nang hilahin niya ang damit ko, "ano na naman ba?" Tinuro naman niya ang kumot niya na wala na ayos, naiinis na talaga ako, lumapit ako sa dulo ng kama niya saka inayos ang kumot, "yan ok na wag muna akong gisingin, matutulog na ako," reklamo ko sa kanya. Humiga uli ako, sa susunod na gigisingin niy ako hindi na ako babangon talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD