White Flag

1316 Words
Habang kumakain kami tahimik lang siya na kumakain, paminsan-minsan ay makikipag-usap kila mama at tatahimik uli. Nakita kong titig na titig si mama kay Fraynard kaya sinulyapan ko siya, na hahalata ba na nakipagbugbugan si Fraynard, hindi naman halata ang mga pasa niya sa mukha.             Pero kahit na hindi alam nila mama ang totoong nangyari sa amin, alam ko naman na nahihirapan pa rin siya.             “Ano yang sa kamao mo Fraynard, dugo ba yan?” Nagulat ako sa tanong ni mama.             Tinitignan ko ang kamao ni Fraynard sa kanan namumuo pa ‘yong dugo roon na halatang na hugasan na, tinignan ko rin si Fraynard na parang namumutla at hindi alam ang gagawin, para siyang humihingi ng tulong sa akin, ngayon ko lang ‘to nakita sa kanya.             “Hindi naman dugo yan mama, ‘yong activity kasi kanina may mga paint na pula, nalagyan ata siya tapos hindi niya ga’anong nahugasan ata,” sabi ko kay mama, humarap ako kay Fraynard, “dapat naghugas ka ng mabuti bago ka kumain, halata tuloy na gutom ka,” palusot ko na lang.             Tumango-tango na lang si mama at hindi na kami tinanong pa. Nakahinga ako ng maluwag, muli akong tumingin sa kanya parang nakahinga rin siya ng maluwag.             Natapos ang hapunan, na andito na ako sa silid ko, tinititigan ko ‘yong lalagyan ng first aid kit na kinuha ko sa banyo ko, nagdadalawang isip ako kong lilinisin ko ‘yong sugat uli ni Fraynard, na isip ko lang naman para madali lang na gumaling, huminga ako ng malalim hindi naman niya siguro iisipin na mabait ako sa kanya, kailangan lang talaga kasi kawawa siya.             Lumabas na ako ng silid ko habang hawak ko ‘yong first aid kit, nakasara ‘yong pintuan niya nang pumunta ako, kumatok muna ako ng tatlong beses.             “Sino yan!?” Sigaw niya mula sa loob.             “Special delivery from Mcdo!” Sigaw ko naman.             Wala pang ilang segundo nang buksan niya ang pinto ang sama ng tingin niya sa akin.             “Anong kailangan mo?” Ang putla niya talaga dahil ba ‘yon sa pagbugbog sa kanya ng mga pangit. Sa totoo niyang nagulat pa ako nang magbukas siya, bagsak ‘yong buhok niya pero kahit mukha siyang may sakit ang gwapo pa rin siya, oo naman marunong pa naman ako maka-appreciate ng mukha ng iba maliban sa akin.             Pinakita ko sa kanya ‘yong first aid kit, “ta-nan, linisin natin ‘yong sugat mo para gumaling agad.”             “Hindi ko na kailangan yan, bumalik ka sa kwarto mo,” sungit niyang sagot.             “’To naman wag ka nang mahiya, tayo-tayo lang,” tinulak ko siya papasok saka ako pumasok at umupo sa kama niya.             “Hey lumabas ka nga sa kwarto ko,” reklamo niya.             Sinamaan ko siya ng tingin, “ayoko nga! Bahay ko ‘to kaya itong guest room eh akin rin, kaya hindi mo ako pwedeng utusan na lumabas sa sarili kong guest room---”             Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang isara niya ng padabog ang pintuan kaya natigil ako lalo na nang umupo siya sa tabi ko at ilahad ang kamao niyang may sugat pa.             “Dalian mo nang makaalis ka na,” madali rin naman pala ‘tong kausap.             Inumpusihan ko na ang paglilinis ng sugat niya, wala naman siyang imik, sa totoo lang nahiya ang kamay ko sa kamay niya dahil ang lambot at ang kinis, ganito siguro pag-walang ginagawa sa bahay nila. Habang ginagamot ko siya hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya, nakapikit lang siya kaya hindi niya alam, ilang beses ko na bang sinabing gwapo siya? Eh kasi totoo naman talaga, mabaho lang talaga ugali niya.             Sinunod ko naman ang mukha niya na kitang-kita na ang pasa, nakapikit lang siya na parang inaantok, pansin ko talaga na parang namumutla siya tapos ang init ng mukha niya. Dinampi ang isang kamay ko sa noo at leeg niya, napasulyap siya sa ginawa ko tapos bigla niyang hinawakan para ilayo sa kanya ang kamay ko, nagulat ako sa ginawa niya.             “Anong ginagawa mo?” Inis niyang tanong sa akin.             “May lagnat ka,” sabi ko sa kanya.             “Wala ka na doon,” bigla na lang niya akong hinila tapos tinulak niya ako palabas ng silid niya, buti hindi ako natumba, papasok sana ako nang pagsarihan na niya ako ng pinto.             Wala talagang modo hindi man lang nagpasalamat sa akin, “you’re welcome dude!” Sarkastiko kong sigaw. BAGO ako uli lumabas ng silid ko para mag-almusal, naka-ayos na ako, sumulyap muna ako sa silid ni Fraynard na sarado pa rin, baka na unahan na naman ako n'un. Pero pagdating ko sa kusina sila mama at papa lang ang na andoon. "Anak kain na," yaya ni mama kaya umupo na lang ako sa puwesto ko. Kumuha na ako ng makakain ko, "na saan na pala si Fraynard?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Ay oo nga pala nakalimutan ko 'tong ibigay sayo baka maiwan mo," nilapag sa akin ni mama sa harapan ko 'yong papel na nakatupi. "Excuse letter ni Fraynard na gawa ko, hindi makakapasok nilalagnat, hindi pa makabangon, ano ba talagang ginawa ninyo kahapon at nagkaga'nun 'yon." "Po?" Kinabahan ako nang malaman ko 'yon, sabi na nga ba may sakit siya, siguro dahil 'to kahapon. "Dalian muna kumain at baka malate ka pa," 'yon na lang sinabi ni mama. Kinuha ko 'yong sulat at nilagay ko sa bag ko. Gusto ko pa sana siyang kumustahin bago ako umalis kaso hindi ko na ginawa. Dumiretso na lang ako sa school. Pagkarating ko roon sa mismong unanh subject ko, nakita ko agad ang anim na kaibigan ni Fraynard, napasulyap sila lahat sa akin nang makita nila ako. "Hello Cyrel," bati ni Kelly sa akin nahihiya naman ako kaya nag-hi na lang ako pabalik. Nginitian lang ako ni Adam, ngumiti naman ako pabalik, wow lang naalala pa rin nila ako. "Hoy 'yong kakambal ni Dora," singit naman ni Kent sabay tawa naman ni Elven. "Buti pa si Dora may kakambal ang puso ko wala," seryosong wika ni Jojan kaya napangiwi kaming lahat sa kanya. Lumapit naman sa akin si Corz, "kumusta si Nard?" Ngiti niyang tanong sa akin, yong mukha niyang mataray malayo talaga sa boses niyang maamo, masasabi kong mababait sila, o baka nagbago na sila, o baka iba lang ang tingin ko sa kanila noong high school pa kami. Nilabas ko 'yong excuse letter mas maganda na sila na lang magbigay sa prof nila, dito ko lang naman sila classmate, "excuse letter ni Fraynard hindi siya makakapasok may sakit kasi." Nalungkot ang mukha niya, "sabi na nga ba mangyayari na naman 'to, thank you na lang, buti hindi mo siya pinabayaan," huminto siya sa pagsasalita saka lumapit ng kaunti sa akin, "alam namin na nakikitira ngayon si Fraynard sa inyo." Nagulat ako sa narinig ko, "huh?" "Naku wag ka nang magulat, walang secret na tinatago ang isa't isa sa amin, kaya kilala ka na namin," paliwanag niya. Patawa-tawa na lang ako kahit na kinabahan ako sa totoo lang, "ga'nun ba, ah sige upo na ako sa upuan ko." Alam na nila, kaya pala hindi na sila nagtatanong kong magkaano-ano kami ni Fraynard, bakit naman sinabi ni Fraynard hindi naman kailangan diba. "Sige thank you uli," tinanguan ko na lang siya at dumiretso sa upuan ko, binungad naman ako ng sama ng tingin ni Yash, ngayon ko lang na pansin na andito na pala siya. "Anong ibig sabihin n'un?" Patungkol niya siguro sa pakikipag-usap ko sa L7. "Akala ko ba galit ka sa kanila?" Sabi ko na nga ba. Kaya kahit na andito na 'yong prof namin, kiniwento ko na lang sa kanya lahat tungkol sa tatlong pangit, ang pakikipagbugbugan ni Fraynard tapos ang pagkakasakit nito. Ilang beses pa nga kaming napagalitan ng prof namin dahil ang oa ng reaksyon ni Yash akala mo kong ano ng nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD