Simula nang mapagdesisyunan niyang sumali sa larong soccer nagpursige siya hanggang sa makasali nga siya, pero hindi pa rin niya nakukuha ang atensyon nito, pero pinag-iigihan pa rin niya ang lahat. Akala niya noong una puppy love lang ang nararamdaman niya katulad ng sinasabi ng Kuya niya pero nang maging 4th year student na siya hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya sa dalaga lalo pa itong lumalala, matagal na siyang inaasar ng mga kaibigan ng PANGIT ANG CRUSH NI FRAYNARD! Pero na sanay na siya para sa kanya maganda ang dalagang ‘yon. Pero minsan nakakaramdam din siya ng lungkot na sa babae ng nagkakagusto sa kanya, hindi niya makuha ang atensyon nito. Katatapos lang ng laro nila sa sport fest at siya ang nagpanalo nito, binuhat siya ng mga ka-team kasama ng mga ka