“Ano ba naman yan Fraynard, pati ba naman dito sa birthday ko pinapairal mo yang pagiging basagulero mo!” Hindi mapigilan ni Corz na sigawan ako nang hatakin niya ako papasok ng bahay nila. Pati sila Kent. Elven, Jojan, Kelly at Adam nakasunod sa amin, hindi ko maintindihan ‘yong mga pinagsasabi niya dahil iniisip ko ‘yong mga sinabi ni Yashlin sa akin na kaibigan ni Cyrel, hindi rin mawala sa isipan ko ‘yong mukha niya habang umiiyak siya, ilang beses ko na ba siyang nakitang ganito, umiiyak siya dahil sa akin? Bad trip na bad trip sa akin si Corz dahil sa pang gugulo ko, hindi mo mapigilan ‘yong sarili ko nong makita kong kayakap ni Adam si Cyrel kanina kaya nasugod ko siya. “Sorry.” Tinignan lang nila akong lahat. “Sorry m