Dalawang linggo na ang nakakalipas pero kahapon lang nangyari ang lahat, iniyak ko na ang lahat pero pagkatapos n’un dapat makapag-move on na ako sa nangyari, pagkatapos ng huli naming pag-uusap o sabihin nating huli kong speech sa harapan niya, hindi ko na siya nakita, kong makita ko man ang L7, wala naman siya. Aminin natin na hinahanap-hanap ko pa rin siya pero ano pa bang magagawa ko, wala na, nangyari na ang lahat, sabi nga nila ‘don’t focus on the pass it will missed the future,’ kaya ngayon ginagawa ko ang lahat para makapag-move on, maganda na siguro na hindi ko na siya nakikita o baka nagtatago ‘yon sa akin kasi hindi niya ako gustong makita. Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Corz, pareho pa kaming nagulat nang magkatitigan kami, pero ngum