Sa tuwing nakikita ko siya o makakasalubong sa school parang lang akong wala lang sa kanya, parang hindi niya ako kilala, parang isa lang ako sa mga taong makaksalubong niya, para lang akong hangin sa kanya, isang bagay na masakit sa parte ko at mabigat sa pakiramdam, palagi akong tulala at wala sa sarili, kong di kasama si Yash baka kong ano ng nangyari sa akin, pero hindi pa naman ito ang oras para sumuko, pwede ko pa naman siya makausap ng maayos. Naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin, “hoy ano na naman yang iniisip mo?” Mataray niyang tanong sa akin. Hindi ko na siya nilingon at sumabay lang sa kanya sa paglalakad, “si Fraynard,” bulong ko. “Yan na naman tayo sa Fraynard na yan, kong pinayagan mo ba akong sapakin o bugbugin ang lalaking yan edi sana nakakahinga ka ng maluwag,