Dahil sa nangyari kailangan naming isugod si Fraynard sa ospital, agad naman kaming dinaluhan ng doktor para tignan kong anong nangyari kay Fraynard, sumugod din ang mga kaibigan nito at ang tatay niya may dalawa pang kasamang binata si tito Felix ito ata ang dalawang kapatid niya, ayon sa suot nito halatang galing pa sa trabaho, hindi nalalayo kay Fraynard ang mga itsura nito. Alam kong lahat kami kinakabahan kasi alam namin ang pakiramdam ang dalhin si Fraynard sa ospital katulad noon, parang naulit lang din, nakapikit lang ang mata ko, pinapakiramdaman ang paligid, inaalala ang lahat, alam kong anumang oras magising siya, pero kinakabahan din ako, malakas kasi ang pakiramdam ko na narinig niya ang lahat ayon na rin sa kwento ni mama sa akin. Lumabas din ang dok