Bumalik na uli si Fraynard sa soccer team para makapag-practice na rin sa susunod nilang laban sa labas ng school, excited na akong manood, kakalabas lang namin sa canteen kasama si Yash, bumili kasi ng buko juice para ma-refresh siya pagnagpapahinga siya, isa ‘to sa gusto niyang inumin, may dala rin akong face towel para sa kanya. “Dalian muna,” yaya ko kay Yash na parang tinatamad pang sumusunod sa akin, parang wala siyang gana. “Wala namang kakaiba dyan,” busangot niyang reklamo sa akin. “Pero makikita mo si Jojan,” pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin, “tigilan mo ako kong ayaw mong ibalik kita sa tyan ng nanay mo.” Natawa na lang ako sa pagbabanta niya sa akin pero nang makalapit na ako sa field, nakita na