Hindi ko naman kayang hindi patawarin si Fraynard kaya ito bati na naman kami, chossy pa ba ako? Siya nga itong umako ng kasalanan at siya pa ang nag-sorry. Tenixt ako ni Fraynard na magkita raw kami sa labas ng canteen, na miss na niya siguro ako kaya pupuntahan ko siya. Malayo pa ako sa kanya pero biglang nawala ang ngiti ang exitement ko dahil nakikita ko na naman si Fraynard na kasama 'yong babaeng 'yon, nagtatawanan pa na akala mo may sariling mundo, ito lang ang ayaw ko kay Fraynard masyado siyang mabait sa lahat, hindi ba niya alam na maaring ma-fall lahat ng babaeng nakapaligid sa kanya. Huminga ako ng malalim, ako ang girlfriend bakit naman ako papatalo? Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Fraynard nang makalapit ako sa kanila, agad naman niya akong inakbayan sa harap ng babaeng