Dumating na ang foundation week sa Westwood College, isang linggong kasiyahan, isang linggong walang klase dahil sa mga kabi-kabilang activities, isang linggong walang quiz, projects at kong ano-ano pang nagpapa-stress bilang estudyante, sa mga simpleng activities na ganito sa school ito na ‘yong masasabi kong isa sa mga pahinga namin. Hindi ko kasama si Yash dahil kasali siya sa program para sa pagbubukas ng foundation week, pagkapasok ko pa lang sa campus, kanya-kanyang sali ang mga estudyante sa mga palaro sa bawat booth ng mga department, may mga bumibili ng mga pagkain, may ilan naman na nagpapa-picture sa photo booth, pero mas maraming estudyante sa freedom wall. Isang mahabang puting tarpuline na nakatayo malapit sa stage ng field, pwede kang magsulat ng gu