Natuloy nga ang group study na gustong mangyari ni Fraynard sa bahay, lahat sila na andito sa bahay, ang masasabi ko lang magulo talaga, kanya-kanya sila ng puwesto at lamesa kami, sarado naman na ang shop kaya na andito kami, sila Kent, Elven at Jojan magkakasama sa iisang lamesa. Si Corz, Kelly, Adam at Yash naman ang magkakasama sa lamesa, kami naman ni Fraynard sa iisang lamesa, magkakalapit naman kami. Masaya kahit na magulo, nagagawa naman namin 'yong group study na ilang beses nagreklamo si Kent na ang bilis ni Adam kasi siya 'yong nangunguna at parang nagbibigay ng possible questions sa amin. Tahimik lang akong nakikinig ng may umihip sa buhok ko, bumaling naman ang ulo ko kong saan nang gagaling 'yon, si Fraynard lang pala, ngiting-ngiti na hindi ko naman alam ang dahilan. Ti