'Yong natitirang dalawang linggo ni Fraynard na pamamalagi dapat sa amin inubos na lang sa ospital, mas kailangan niyang na roon siya para nababantayan siya ng mga doktor na titingin sa kanya lalo na't ang pilay niya sa kamay at mga galos. Hindi na rin kami ga'anong nakakadalaw kasi may mga klase kami, kailangan namin humabol sa mga projects. Pakiramdam ko sa dalawang linggo na wala si Fraynard parang naging tahimik uli ang buhay ko, hindi ko alam na ganito pala ka boring. Nalaman na rin ni Yash ang lahat ng nangyari, katulad namin eh nagulat siya sa pakulo ng papa ni Fraynard at sa gustong mangyari nito. Naglalakad kami ngayon sa hallway habang nag-uusap, papasok na kami sa unang klase namin nang makasalubong namin si Calvin na ngiting-ngiting lumapit sa amin, nginitian ko naman siya.