Tatlong beses akong kumatok sa office ni Tito Marcus bago ako nagpasiyang pumasok. Natigil ako saglit nang makitang magkausap ang mag-ama. Nagtama ang mga mata namin ni Brick. Pero bigla rin akong umiwas. Galit pa rin ako sa kaniya. Pero peste lang, bakit nagagwapuhan ako sa ayos niya ngayon?! Nananadya ba siya? Bakit kailangang magulo ang buhok niya? Bakit kailangang nakalong sleeves siya at nakabukas ang unang butones? s**t ka Brick! Napansin kong nakabenda ang kaniyang kamay. Indikasyon na nasaktan ito roon. Nakipagbasag-ulo ba siya? May nakasuntukan ba siya? "Hija! Bakit naparito ka? Wala ka bang klase?" nakangiting tanong sa akin ni Tito Marcus bago niya ako hinalikan sa pisngi. Napansin ko naman ang pagngisi ni Brick at ang pagtitig niya sa leeg ko. "Anong hinahanap mo?" mata