"Now what? Tutunganga na lang ba tayo rito?" Pasuplada kong tanong kay Brick habang nasa loob kami ng kaniyang kotse. Naipit kasi kami sa traffic. Halos mag-iisang oras na pero hindi pa rin kami nakakaalis sa pwestong tinigilan namin. "You can't blame me, I didn't know na ganito pala kasikip ang traffic dito. Kung alam ko lang hindi sa tayo rito dumaan." naiinis na ring sabi ni Brick. Napaikot na lang ang mga mata ko. Ilang beses ko nang tinawagan si Elle at Indigo. Pero mukhang wala yatang balak ang mga itong sagutin lahat ng iyon. Nakakainis dahil halatang-halata na gusto nilang mapagsolo kami ni Brick! Alam kong gusto ko ang plano nilang ito. Ang ayaw ko lang ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari noon sa bar. Nakakainit ng ulong hindi niya man lang ako tinulungan! Ang