SYD’S Point of View Nakakagulat man ang balita na narinig ko, binuhay naman nito ang mga dugo sa katawan ko. Mas nabuhayan ako ng loob at nakaramdam ng kasiyahan sa aking narinig. I didn’t expect na magbubunga ang nangyari sa amin ni Laura. Hinawakan ko ang kamay ni Laura at pinisil iyon. Naramdaman ko na nabigla at nag-iisip pa rin hanggang ngayon. “Dok Gil, thank you so much.” Magiliw na sabi ko. “Your welcome, Syd. Again, Congratulation.” Kinamayan ako ni Dok. “Anyway, may appointment pa ako. I have to go.” Hinatid ko si Dok Gil hanggang pintuan ng study room. Pinatawag ko si Yaya Nida para ihatid hanggang makalabas siya. Pagsara ko ng pinto, napatingin ako kay Laura na naka upo sa sofa. Pinagmamasdan ko siya dahil natatakot at nababahala ako dahil wala siyang imik. Pinuntahan ko s

