SYD’S Point of View After ng meeting sa mga investor, tinake over ko na kay Ram ang ibang mga schedules. Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa isang flower shop, para ibili si Laura ng bulaklak. Binabalak ko na din sabihin kay Kuya Clark at Erl ang pagbubuntis ni Laura. Bago ko gawin yun, kailangan ko muna ng opinyon niya. I know her temper, baka magalit na naman siya pag-pinangunahan ko. Pagdating sa Mansyon, nag pahanda ako kay Yaya Nida ng special na mga dishes para mamayang hapunan. Nakasalubong ko pa si Denise sa sala bago ako umakyat sa kwarto. Malamig ko lang itong tinignan at hindi pinansin. “Syd,” nilapitan niya ‘ko. “Para kay Laura ba yan dala mong bulaklak?” tanong niya sa akin. “Huwag mo naman akong iwasan. Nahihirapan ako na ganito tayong dalawa. Hindi na ako gagawa n

