SYD’S Point of View Pagdating namin sa location ng mga tauhan ko, agad naman kaming gumawa ng paraan para makapasok sa isang private property. Dahil sa security ng kabahayan, hindi kami agad nakapasok sa gate. Pwersahan pa namin sinira ang gate, para makapasok. "Luis!" sigaw ko. "Ilabas mo si Laura! Hayop ka! Pag may nangyari sa mag-ina ko, hindi ko titigilan ang buong pamilya mo!" Ilang beses kong pinag-sisispa ang pintuan. Nagpapalitan kami ng mga tauhan ko na tadyakan iyon. Nang-nakapasok kami sa loob, agad ko naman nakita si Laura sa sala na nakaupo. Patakbo ko pinuntahan at niyakap ng mahigpit. "Are you okay?" Pag-aalala kong tanong. "Sinaktan ka ba niya?" "Wala naman ginawang masama si Kuya sa akin." Sinalubong ko ng malakas na suntok si Luis ng makita ko. Napahiga sa sahig dah

