Sa bahay ng mga Anderson. LUIS ANDERSON’S Point of View Mag-alas dose na ng maka-uwi ako sa bahay. Nadatnan ko pang gising ang kasambahay nang makita ako. Tinawag si Mommy and Daddy sa kwarto ng makita ako. Nakaupo ako sa sofa habang nakasandal ang ulo. Narinig ko ang pagtakbo ni Mom. Si Daddy naman ay naka saklay pababa ng hagdan. “Anong nangyari sayo anak? Sinong may gawa sayo niyan?” Pasigaw na tanong ni Mommy. “I’m fine, Mommy. Wag ka mag-alala.” Mahinahon sabi ko. “Paano mo sasabihin na okay ka lang? Putok ang nguso at may pasa ka sa mukha.” Malamig na tugon sa akin ni Daddy. “What happen Luis, tell me!” Napasapo ako sa mukha ko. “Laura is pregnant. Magpapakasal na sila ni Syd.” Bulalas ko. “What?” Malakas na sabi ni Hilda na pababa ng hagdan. “Luis, what are you talking abou

